11

OCTOBER 2025

Mothers’ Tender Loving Care

by | 202510, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Kit Cabullo

“Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak. Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito; ikaw ay lalakas at lulusog. Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin; at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.”

Isaias 66:13–14

Ilan ba ang kamay ng mga nanay? Damang dama kasi natin ang tender loving care nila kahit pa sa mga oras na busy sila. Siguro kung naia-apply daw ang theory of evolution sa mothers, baka tinubuan na sila ng sampung kamay!

Kidding aside, mothers are experts in giving comfort and care. Children mostly bond with their moms easily kahit pa ang mas nakakalaro nila ay ang mga tatay. It’s in the mothers’ own ways of expressing their love and care that give warmth to their children’s hearts. May mga pangangailangan tayo na mas natural nilang nauunawaan at naibibigay.

Nakakamangha na kahit sa Bible, inihahalintulad ng Diyos ang Kanyang sarili sa isang ina. “As a mother comforts her child, so I will comfort you,” says the Lord in Isaiah 66:13 (NIV). The Apostle Paul also likened himself and his team to mothers, “Just as a nursing mother cares for her children, so we cared for you” (1 Thessalonians 2:7–8, NIV). Kahit pala sa Bible, ang human standard ng tender loving care ay ang mga nanay

We should therefore be thankful that mothers exist in this world. Salamat sa Diyos na may mga inang nagiging source ng pagmamahal at kabutihan sa mundong ito. Sa gitna ng mga problema, ang presensya nila ay nagbibigay ng kapanatagan. Kapag nababalot ng pagdududa, ang boses nila ang nagbibigay ng direksyon. Sa ating mga pangangailangan, nandiyan palagi ang kanilang suporta. Mothers are one of the best reasons why there is love and goodness in this world.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Our loving Father, thank You for giving us our mothers. Nararanasan po namin ang kabutihan Ninyo sa pamamagitan nila. Please bless them with Your strength and joy.

APPLICATION

Thanking our mothers can be done by making them happy in simple ways. Ipagluto sila o mag-order ng paborito nilang pagkain. Samahan sila sa mga lakad nila. Volunteer to do some errands. Ang konting oras na mailalaan nila para sa ibang bagay o sa pagpapahinga ay malaking bagay na para sa kanila. At siyempre, tell them these words as much as you can, “I love you, Nay” and “Thank you, Nay.”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 13 =