19

MAY 2022

Nasasaid Ka na Ba?

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.

Mga Taga-Roma 8:26

There are just days (or weeks, or months) that test you. Sunod-sunod ang dating ng mga problema. Wala kang nakikitang signs that things will be better soon. Naaalala mo ang panahon na nagsisimula ka pa lang na makaramdam ng pagod. You look back on that time with fondness kasi ang nararamdaman mo ngayon, hindi na simpleng pagod lang. Mas malapit ka na sa exhaustion. Paubos na ang lakas mo. Hindi mo alam kung kaya mo pang lumaban.

Naiintindihan ni Jesus kung gano kahirap mabuhay sa fallen world na ito. Kaya noong gabi bago Niya isinakripisyo ang sarili bilang kabayaran sa ating mga kasalanan, inassure Niya ang apostles na hindi sila maiiwang mag-isa. Hihingin daw Niya sa Ama na bigyan sila ng Tagapagtanggol — ang Holy Spirit, whom He promised will be with them forever (John 14:15–17).

Ang pangakong ito ay para sa lahat ng nananalig sa Kanya. At sa Mga Roma 8:26, sinabi Niya na He didn’t send us a Holy Spirit na idya-judge tayo o kukutyain ang ating kahinaan. In fact, kabaligtaran ang gagawin Niya. Kapag ubos na ubos na tayo kaya hindi man lang natin magawang i-express ang pain na pinagdaraanan, ang Holy Spirit ang daraing para sa atin. He acts as intercessor para ilapit sa Panginoon ang ating mga pangangailangan.

In your season of testing and trials, take comfort in the fact that our God is good. He invites us to come to Him. He will listen. He will give us strength to keep us going. Kapag nasasaid ka na, pupunuin ka ulit Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, pagod na akong lumaban. Pero alam kong hindi Ninyo ako iniwan. You are a promise-keeping God. Itatawid Ninyo ako mula sa pinagdadaanan ko ngayon.

APPLICATION

Basahin ang Awit 34:17, Isaias 41:10, at Juan 16:33. Piliin kung alin sa mga ito alin sa mga ito ang pinaka-relatable sa iyo ngayon at gamitin ito sa prayer time mo sa araw na ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 5 =