18

MAY 2022

Hindi Ka Invisible kay God

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sheena Lee Palad & Written by Prexy Calvario

“… Kaya’t tinawag niya si Yahweh nang ganito: ‘Ikaw ang Diyos na Nakakakita.’”

Genesis 16:13

Have you ever felt unseen? Ginagawa mo naman ang trabaho mo nang mahusay ngunit pakiramdam mo ay hindi ito napapansin. Sa gitna ng pag-aasikaso sa iyong pamilya, feeling mo hindi nila ito naa-appreciate. And at times you may have wondered, “May nakakakita ba sa pinagdadaanan ko?”

Meet Hagar, an Egyptian slave to Sarah. Nang hindi magka-anak ang mag-asawa, Sarah asked Abram to sleep with Hagar para magka-anak sila. At nang magbuntis si Hagar, pinagmalupitan naman siya ni Sarah. Imagine being a slave in their household where she has to submit to her master’s wish, whether she likes to do it or not. And after she submitted to sleeping with her mistress’ husband, anong napala niya? Minaltrato pa siya.

Sa pagtakas niya sa kanyang amo ay natagpuan siya ng anghel ng Panginoon malapit sa isang balon. “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” tanong ng anghel. “Tumakas po ako sa aking panginoon,” ang sagot ni Hagar. At dito inilahad ng anghel ng Panginoon ang pangako Niya kay Hagar kasunod ng pagsabing, “Magbalik ka at muling magpasakop sa kanya” (Genesis 16:6–12). Marahil hindi makapaniwala si Hagar at sinagot ang kanyang silent prayer, “Kaya’t tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.”

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon ay makakaasa ka that God sees you. Hindi ka invisible kay God. Ano man ang nararamdaman mo na hindi maintindihan ng iba at hindi mo masabi sa iba, God sees and knows what is in your heart. Tinutulungan ng Diyos ang mga nagdurusa at hindi binibigo ang walang pag-asa (Psalm 34:18). God wants us to trust Him (Proverbs 3:5) in the process. And as Hagar trusted God by obeying to go back to Sarah, Hagar experienced the fulfillment of God’s promises. Nang pinalayas siya at ang kanyang anak na si Ishmael, God provided everything that they needed (Genesis 21:14–21).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, I praise You for You are God who sees. Tulungan Ninyo akong magtiwala sa Inyo at sa maniwala sa katuparan ng Inyong pangako sa akin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

In your journal, write the times that God has provided for what you needed (material, emotional support, etc.) and thank Him that He saw you during those times of need.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 10 =