4

JANUARY 2024

New Year, New Beginnings

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by Jude G. Agbayani

Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.

Isaias 43:19

Ipinakita ng architect kina Joseph at Pia ang 3D house design ng kanilang bagong bahay. Nakatutok ang mag-asawa sa computer screen habang excited na nag-virtual tour. Naluha pa si Pia dahil sa wakas ay matutupad na rin ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. More than 15 years na kasi silang nakapisan sa mga magulang ni Joseph. Kahit masaya naman ang samahan, masikip na ang maliit na kuwarto para sa kanilang pamilya. 

After years of waiting and praying, nabuhay muli ang pangarap ng mag-asawa. Nagkaroon sila ng financial breakthrough kaya unti-until silang nagplano at humingi ng wisdom kay Lord kung paano nila maaabot ang pangarap na bahay. Excited na silang magsimula ng bagong buhay sa kanilang dream home.

New year na. Naghahangad ka rin ba ng new beginning? Pakiramdam mo ba na stuck ka na sa career mo at gusto mo ng pagbabago? O kaya you need to make healthier choices? Napakagandang simulan ng taon focusing on personal growth dahil mag-benefit ang lahat ng aspeto ng buhay mo.

Ngunit ang pinakamahalagang new beginning ay ang pagsisimula ng taon na may intimate relationship with the Lord. Magkaroon man tayo ng personal growth pero kung hindi maayos ang relasyon natin sa Panginoon, may kulang pa rin sa buhay. Puwede pa rin tayong maligaw ng landas. 

Ang maayos na ugnayan sa Panginoon ay siyang magbibigay ng direksyon sa buhay. Hindi magiging madali ang buhay ngunit magaan itong dalhin dahil kasama natin ang Panginoon sa bawat hakbang na ating gagawin.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, I don’t know Your plans for me this year. But I will trust You, wherever You may lead me. Help me to follow You, Amen.

APPLICATION

Do you have a personal relationship with the Lord? Kung wala pa at nais mong malaman paano, i-click mo lang ang chat button sa itaas at may nakaantabay na kaibigan na maaaring kumausap sayo.

 

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =