30
APRIL 2021
No Longer Guilty
Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.
Mga Hebreo 8:12
Nagi-guilty ka ba dahil may nagawa kang kasalanan? Gaya ng pagsisinungaling o palihim na pagkuha ng gamit ng iba? O ang pagkunsinti sa kalokohan ng isang ka-opisina na ikinatanggal niya sa trabaho? O baka mas malala pa dito. At dahil lagi kang feeling guilty, lagi rin bang mabigat ang pakiramdam mo?
Sa totoo lang, ang guilt feelings ay bunga ng kasalanan. Alam mong may nagawa ka that is not pleasing sa mata ng Panginoon at nakasakit ka sa iyong kapwa kaya binabagabag ka ng iyong konsensya.
Ayon kay Dr. Mehmet Oz, cardiothoracic surgeon ng New York Presbyterian-Columbia Medical Center, guilt can shorten our lives dahil pinahihina nito ang ating immune system. Nakapagpapataas din ang guilt ng cortisol levels, isang stress hormone na nagmu-mobilize sa ating energy stores and activating systems na pumipigil sa anumang potential threat sa ating katawan. Kapag na-over exposed sa cortisol ang ating katawan, nagreresulta ito sa hypertension, heart disease, diabetes, depression, and anxiety disorders.
Paano nga ba mao-overcome ang guilt? Kahit pilit mong binabale-wala ang konsensya, ninanakaw pa rin nito ang joy and peace mo. Pero good news: dahil hindi natin kayang solusyunan ang kasalanan at ang guilt feelings na bunga nito, ang Diyos na ang gumawa ng paraan.
Kahit hindi natin deserve, ginawa ni Jesus para sa atin ang hinding-hindi natin kayang gawin—ang mapako sa krus para pagbayaran ang ating mga kasalanan. Dahil dito, pinatawad na tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga atraso at paglabag. Kaya pinalaya na rin tayo ng Diyos mula sa guilt na minana pa natin from the original sin ng unang taong sina Adam and Eve.
Panghawakan na natin ang promise ng Diyos Ama na pinatawad na Niya tayo. Inalis at nilimot na Niya ang ating mga kasalanan (Mga Awit 103:12; 130:4; Isaias 43:25; Mikas 7:19). No more guilt feelings!
Sa tuwing minumulto ka ng guilt, remember and be thankful sa naging sacrifice ni Jesus sa cross.
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat dahil sa Inyo, pinatawad na ng Diyos Ama ang lahat ng aking kasalanan at pinalaya ako sa guilt. Tulungan Ninyo akong mapatawad ang sarili ko para tuluyan na akong makapag-move on.
APPLICATION
I-memorize ang Hebreo 8:12. Tuwing makakaramdam ka ng guilt, ipaalala mo ito sa sarili mo at panindigan nang may pagpapakumbaba na pinatawad ka na ng Diyos at hindi na Niya inaalala ang iyong mga kasalanan.