11

AUGUST 2024

No Regrets, No Surrender

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Kit Cabullo

Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

1 Mga Taga-Corinto 15:57–58

Saan ka passionate? Sa trabaho, relationships, o church ministry? Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng buong puso. Sabi nga sa Mga Taga-Colosas 3:23: “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.”

Paano kung naka-encounter tayo ng challenges? Mahirap mag-sustain ng passion. Marami ang sumusuko dahil sa hindi sila sigurado sa purpose o basis ng mga ginagawa nila. It also gets very tiring when you don’t feel appreciated or affirmed sa isang bagay na pinagsisikapan mo naman talagang gawin. These feelings of uncertainty and being unappreciated discourage us from being passionate.

Kaya, it is very important that our passion — our desires and efforts — are anchored in a strong foundation. ‘Yung kahit sa anumang pagsubok, walang nasasayang. Kaya very encouraging ang sinabi ni Apostle Paul sa mga taga-Corinto. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, huwag matinag, at maging masipag sa paglilingkod (1 Mga Taga-Corinto 15:57–58). Ito ang mga katangian ng taong may passion. At kaya niya ipinayo ito ay dahil sa isang matibay na pundasyon: “tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (v. 57).

Sa Panginoon, anumang hirap o bigat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay, our victory is secured. Kapag ang ating pagsusumikap ay naka-base sa tagumpay ni Cristo, hindi ito masasayang (v. 58). Kaya no regrets, no surrender. Tuloy lang tayo. Be passionate in doing things for the Lord!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

O Lord, thank You for giving us the victory through Jesus. Strengthen us with this truth and help us to trust You as we continue to serve You.

APPLICATION

When we encounter challenges, huwag tayong panghinaan dahil walang nasasayang sa mga bagay na ginagawa natin para sa Panginoon. I-memorize ang 1 Mga Taga-Corinto 15:57–58 at bigkasin mo ito para mapalakas ang iyong loob.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 4 =