12

AUGUST 2024

Nasa War Zone Ka Ba?

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Karen Mae Guarin-Lee

Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali niya ang mga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag.

Awit 46:9 (ASND)

“Dapa!” “Takbo!” “Barilin ninyo!” “Mama!” — Ilan lamang ito sa mga isinisigaw ng mga sundalong may war shock or post-traumatic stress disorder (PTSD) na nasa ward 24 at ward 25. Due to a traumatic combat experience, napagkakamalan nilang putok ng baril o bomba ang isang simpleng tunog. Matatagpuan ang psychiatric wards na ito sa isang military hospital sa Pilipinas. Sa ward 24 ikino-confine ang mga manageable patients. Sila ang mga nakakausap at napapainom pa ng gamot. Sa ward 25 naman inilalagay ang mga uncontrollable or wild patients. Sila ang mga pasyenteng nananakit na.

Para ka bang nasa war zone ngayon at nakakaranas din ng stress? Nasa isang relasyon ka ba na physically at verbally abusive — walang tigil ang pag-aaway at batuhan ng masasakit na salita? Merong mga taong nasa traumatic relationships. Marahil ang ilan sa kanila ay may undiagnosed post-traumatic relationship syndrome (PTRS). PTRS is a specific subset of PTSD. Ito ay isang anxiety disorder mula sa constant physical, emotional, or psychological abuse na nararanasan within an intimate relationship. Ilan sa mga sintomas nito ay hypervigilance, restlessness, and persistent distress.

Isa ka ba sa mga nakakaranas nito? You may be suffering quietly at hindi mo alam kung paano maibabalik ang dati mong sigla at saya. Aside from therapy and medications that are available to help you, Someone greater can heal your wounded soul and heart. He is Jesus! He heals the brokenhearted and binds up their wounds (Psalm 147:3). He is an expert in ending wars, especially in relationships. He is the God of reconciliation, and He can restore peace to a war-torn relationship.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I feel comforted knowing that You understand what I’m going through and that You care for me. Please heal my wounded soul and restore my broken relationships. In Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Gusto mo ba ng makakausap? Just click the Chat icon in Tanglaw app para makausap ang ating prayer counselor. You may also call 8737-0700 kung ikaw ay nasa Metro Manila. If you are outside the metro, you may visit www.cbnasia.org/need-prayer/para sa iba pa nilang contact information.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 15 =