22

MARCH 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Striving to be Number 1 can be such a pressure. What can be the best motivation to be Number 1? Let’s find out in today’s series “God Gives True Success”.

Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba …

Mga Taga-Galacia 6:4

Sa larangan ng advertising, ‘yung mga number 2 brands ay mas masisigasig, mas nagpapakitang gilas, kasi their goal is to be number 1. Matindi kasi ang kompetisyon.

Ito rin ang mantra ng ating advertising guy na si Leo. He is always on performance mode. Kasi pati sa kanyang buhay, he feels he is never the best. Sa barkada, feeling niya ay hindi siya kasing guwapo o kasing yaman ng iba. Sa eskuwela, second honor lang siya, kahit masipag naman siyang mag-aral. Tatamad-tamad nga ‘yung valedictorian nila, sa totoo lang! ‘Yung crush niya, type ang best friend niya, kaya hanggang friend zone na lang sila. Single and unattached pa rin si Leo gayung kinakasal na ang mga kaibigan niya. Buti’t best man naman siya. At nang nagka-anak na ang mga berks, Ninong Leo naman ang papel niya.

Ano na kaya ang namumuo sa puso ni Leo through the years?

Wala namang masama sa pagsisipag, sa pagkakaroon ng dreams and ambitions. Tama rin ang paggamit at pagpapahusay ng talents na bigay sa atin ng Panginoon. Pero in all these endeavors, let’s be quick to check our hearts. Sabi sa Galatians 6:4, “Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba …”

Tanungin natin ang ating mga sarili, nakikipag kompetisyon ba tayo sa buhay? Dala ba ito ng low self-esteem? Jealousy? O paghihiganti? Kapatid, nakakapundi ang ganitong mga saloobin. These thoughts will only destroy us. In life, there will always be someone better than us, and we can also be better than others. But God loves us all! Kaya tayo’y magalak na lamang sa mabubuting ginagawa natin at huwag nang ihambing pa ang sarili sa iba. In God’s eyes, number 1 tayong lahat.

God loves you and Number 1 ka sa puso Niya. With this assurance of His love,  you can give your best in all that you do by God’s grace and for His glory. That’s true success! See you again tomorrow!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I’m tired of striving. Wala naman pala akong kailangang patunayan. Kung sinuman ako, anuman ang aking nagawa, o sitwasyon ko sa buhay, mahal na mahal Ninyo ako. Ngayon po, lahat ng aking effort ay manggagaling lang sa katotohanang number 1 ako sa Inyo. Number 1 din po Kayo sa akin. In fact, You are my only one, Jesus!

APPLICATION

Gumuhit ng isang malaking number one sa gitna ng papel. Sa paligid nito, mag-drawing ng mga bagay na tanda ng pagmamahal ng Panginoon sa iyo, gaya ng mga kaibigan at kapamilya, bulaklak, paboritong pagkain. Use as many colors as you like, and smile!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =