7
FEBRUARY 2021
Open for Reconciliation
Share with family and friends
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Umalis kang muli, at ipakita mo ang iyong pag-ibig sa iyong asawa bagaman siya’y nangangalunya …”
Hosea 3:1a
Masalimuot ang naging love life ng propetang si Hosea. Sinabihan siya ng Panginoon na magpakasal sa isang prostitute. Dahil dito, pinakasalan niya si Gomer at nagkaroon sila ng tatlong anak. Unsurprisingly, iniwan ni Gomer si Hosea at sumama siya sa ibang lalaki. Then, nagbigay ng bagong utos si Lord: “Umalis kang muli, at ipakita mo ang iyong pag-ibig sa iyong asawa bagaman siya’y nangangalunya” (Hosea 3:1a).
Kung ikaw si Hosea, ano kaya ang magiging reaction mo? Magrereklamo ka ba kay Lord? Pandidirihan mo ba si Gomer at mangangakong hindi na kayo magkakabalikan ever? Hosea did none of those things. Instead, binili niya si Gomer sa halagang labinlimang pirasong pilak at 150 kilong sebada o barley (Hosea 3:2). Tinanggap niyang muli si Gomer at sinabihang manatili itong tapat sa kanya (Hosea 3:3).
Maaaring nasaktan ka na ng isang taong minahal mo. It didn’t matter kung gaano karaming effort ang ininvest mo, nabalewala lahat ‘yun in the end. When this happened, what was your first impulse? Magalit? Magwala? Mangakong hindi mo na ulit kakausapin ang taong ito?
Ikaw lang at si Lord ang nakakaalam ng tunay mong naramdaman noon. Whatever you felt back then, huwag ka sanang maging sarado sa possibility of reconciliation. Kasama ito sa prayer na itinuro ni Jesus sa Lucas 11. Maraming beses ding binanggit sa Bible ang importance of forgiving others (Marcos 11:25; Mga Taga-Efeso 4:31-32; Mga Taga-Colosas 3:13).
Kung mahirap ma-imagine ang pagpapatawad right now, lumapit ka kay Lord at humingi ng tulong. Sabi sa 1 Pedro 5:7: “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.” Katulad ng pagtitiwala ni Hosea, let’s trust na pagagalingin ng Panginoon ang sakit ng iyong kalooban at tutulungan ka Niyang maging bukas sa reconciliation.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, hindi madaling magpatawad ng mga taong nanakit sa akin. Please heal my heart and help me forgive others the way You’ve forgiven me. Amen.
APPLICATION
May nanakit ba sa iyo recently? Isulat sa iyong journal lahat ng gusto mong sabihin sa taong ito (but don’t send it to that person!). Then come to the Lord in prayer. Pray not only for your heart but for that other person too.