27

APRIL 2023

P.U.S.H. Lang, ‘Te!

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Thelma A. Alngog

… Lumuhod siya’t nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukas na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.

Daniel 6:10

May nag-post sa Facebook page ng CBN Asia ng ganitong prayer request: “Please pray with me that the Lord would heal my depression, disappointment, discouragement, disheartenment, emptiness, fear, heartache, hopelessness, insecurity, lust, misery, sadness, and self-pity.” Mukhang lahat ng problema ay nasa kanya na!

Kung nahihirapan ka na rin, pagod na pagod, frustrated, or walang direction sa buhay, don’t despair. God wants to help you, so you can turn to him in prayer. Kaya P.U.S.H. mo lang ‘te! Pray Until Something Happens.

Si Daniel ay isa sa mga Bible character na may pambihirang prayer life. Being a Jewish exile in Babylon, kailangan niyang maka-survive. Hindi madaling mamuhay sa gitna ng mga pagano, kaya laging nananalangin si Daniel sa Diyos. He prayed faithfully day and night. But one day, sinulsulan ng mga pinunong naiinggit kay Daniel ang hari. In the end, King Darius passed a law forbidding prayers to any god or man other than himself. Pero hindi natinag si Daniel. The more na nanalangin siya three times a day sa upper room with his windows open toward Jerusalem. Dahil patuloy pa rin siya sa pananalangin, ikinulong siya sa lion’s den. Pero himala, dahil walang masamang nangyari sa kanya, ni wala man lang kaunting galos. Ang mga anghel mismo ang nagpatikom sa bibig ng leon para di siya mapahamak (Daniel 6:11–28).

Si Daniel ay halimbawa para sa atin na maraming kinakaharap na problema ― depression man iyan, disappointment, fear, insecurity, misery, o self-pity. By trusting in God and praying to Him continually, something will happen. Daniel had proven that God takes care of those who call on Him. Kaya, ‘te, tiwala ka lang. P.U.S.H. ― Pray Until Something Happens.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord God, thank You that You love us. Teach us to trust You and to be faithful in prayer until something happens. We realize the importance of prayer because we are praying to a loving, mighty God.

APPLICATION

Why not join a prayer group or Bible study sa isang Bible-believing church? Try mong i-memorize ang prayer verses na ito para ma-encourage kang mag-pray: Mark 11:24 and 1 Thessalonian 5:16-18. Swipe left to visit your Prayer List.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 15 =