14
APRIL 2026
Paano Kayo Nagkakilala?
Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya.
Pahayag 3:20 (MBB)
Dali-daling nag-jack ‘n poy ang dalawang empleyado ng coffee shop. Closing time na kasi pero may humabol pang customer. Talo si Ellen kaya siya ang humarap sa bagong dating. Nag-order ng cold coffee ang customer. Friendly siya kaya napasarap ang kuwentuhan nila ni Ellen. Blessing din pala ang matalo sa jack ‘n poy dahil doon nag-umpisa ang pagiging mag-close friends nina Ellen at ng customer.
Sa isang summer camp, nagtagpo si Leila at si Helen. Pareho silang 10 years old. May dalangSkittles si Helen pero gusto lamang niya kainin ang kulay red, purple at yellow. Si Leila naman type niya ang green at orange. Doon nagsimula ang pagiging BFF nila, halos tatlong dekada na. Sana all!
What if, puwede all? Puwede all kasi sabi sa Bible, Jesus wants to be our friend forever. And Jesus is the perfect friend — the truest friend. Isipin mo, ipaparanas Niya sa ‘yo ang kabutihan Niyang walang katulad. Sa katunayan, mas excited Siya na maging friend natin than we are to be His friend.
Minsan nga nag-detour si Jesus para lang hingan ng tubig ang isang babae sa may balon na gusto Niyang makilala (Juan 4). Meron ding pinababa si Jesus sa isang sycamore tree dahil excited Siyang makasalo ito (Lucas 19). At kahit pagod na sa ministry, imbes na ipagpabukas, tinanggap ni Jesus ang bisita ng isang religious leader na sa kalauna’y naging alagad Niya (Juan 3).
Iba’t ibang simula, sari-saring pinagmulan, nabago ang buhay dahil naging kaibigan nila si Jesus. Ikaw? Paano kayo nagtagpo ni Lord? Kung hindi pa, ready ka na ba? Ready ka na bang maniwala na Jesus wants to be your friend, forever?
LET’S PRAY
Salamat Panginoong Jesus, Ikaw ang Dakilang Diyos, Sovereign Ruler of the universe, the Holy One yet You want us, sinners, to be Your friend. Draw us closer, buksan ang aming isipan, help us know You more. Amen.
APPLICATION
Paano kayo nagkakilala ni Jesus? Reflect. Meditate on the lyrics of the song, “What a Friend We Have in Jesus” and discover what kind of friend He is. Isulat sa journal ang natutunan mo. As a friend, how can you be more like Him?
SHARE THIS QUOTE
