28

JUNE 2025

Paano Kung Hindi Tanawin ang Utang na Loob?

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Precious Marian Calvario

Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya’y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Lucas 6:35

Sa kulturang Pilipino, ang konsepto ng “pagtanaw ng utang na loob” ay ang pagbabalik o pag-reciprocate ng kabutihan sa mga taong tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. Mahirap man tantsahin kung hanggang saan o kung paano masusuklian ang kabutihan, itinuturing pa rin itong kababaan ng loob kung tatanawin ng nakatanggap. Pero paano kung hindi ibinalik ang naitulong mo? O hindi naalala o binalewala ang pagtulong mo? How would you respond?

In Luke 6:35, Jesus tells us to love our enemies and do them good. Sandali, ang “enemies” na tinutukoy ni Jesus dito ay ′yung mga nagagalit sa iyo, sumusumpa sa iyo, nang-aapi sa iyo, o ′yung mga ginawan ka ng masama. Dagdag pa ni Jesus, “Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran.” Magpahiram nang walang hinihintay na kapalit. Magpaubaya. Hindi madali ang mga utos na ito ni Jesus. Ngunit tulad ng mga ginawan natin ng mabuti, ikaw at ako ay may “utang na loob” din sa Panginoon na dapat nating tanawin. As Christ’s followers, we are to be imitators of Christ. At kung si God mismo ay mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob, tinatawag Niya rin tayong maging mabuti sa kanila. Imbes na manumbat, maging bitter or sumama ang loob sa kanila, tinatawag tayo ni God na mahalin sila. Anuman ang naitulong natin sa kapwa, let’s remember na ang Panginoon ang nakakakita sa atin. In time, sa Kanya mismo manggagaling ang ating reward.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for giving me the capacity to help others. Even if they did not acknowledge my help or say thank you, Lord, I trust You to use it for our good. I speak blessings to them and Your love to be with them. Amen.

APPLICATION

Seek the Lord as you heal from this experience. Ask God to give you a forgiving heart. Show your love for them (as Jesus commanded us to love others) by blessing or by praying for them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =