21
FEBRUARY 2026
Paano Mo Masasabing Napatawad Mo Na?
Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.”
Mateo 18:21–22
“Pinatawad ko naman na sya, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa nya, bumabalik ang galit at trauma na dulot ng ginawa niya. Ibig bang sabihin, hindi ko pa siya napatawad?”
Relate ka ba sa linyang ito? On our own, mahirap magpatawad. Disciples nga ni Jesus, na madalas Niyang kasama, ay humiling na, “Increase our faith,” nang malaman nila kung gaano kadalas dapat magpatawad (Luke 17:3–5).
Thank God, forgiveness is His initiative. While we were still sinners, Jesus Christ died for our sins (Romans 5:8). Noong hindi pa man tayo mulat na makasalanan tayo. Noong hindi pa man tayo nagsisisi at humihingi ng kapatawaran. O paulit-ulit man tayong nagkakasala, pinatawad na Niya tayo doon sa krus habang nakapako Siya. Kaya kung tinanggap mo na si Jesus Christ as your Lord and Savior, marapat nating sundin ang utos Niya na magpatawad tayo tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin (Colossians 3:13).
It’s a command. Hindi base sa feelings o kung nakalimutan mo na ang ginawa niya sa iyo. “Magpatawad, seventy times seven,” regardless kung nag-sorry siya or na-redeem na ang reputation mo.
Paano mo nga ba masasabing napatawad mo na? It’s a decision. Desisyong sundin ang utos ng Diyos na “magpatawad, seventy times seven.” Magpatawad nang walang limitasyon. Magpatawad sa tuwing naaalala mo ang sakit at traumang naidulot niya sa iyo. Desisyong huwag gumanti, at sa halip ay suklian ng kabutihan ang kasamaang ginawa (Romans 12:19–21). Forgiveness is a decision to forgive regardless of your feelings and memory and embracing the richness of God’s grace in Christ Jesus. Masasabi mong napatawad mo na siya kapag niyakap mo ang katotohanang pinatawad rin ng Panginoon ang hindi kapatawad-tawad sa iyo, seventy-times seven.
LET’S PRAY
Lord, salamat at pinatawad Ninyo ang aking mga kasalanan. Please increase my faith and continuously give me grace to forgive (name of person) for (what was done to you). Heal me from the pain and use this for our good. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
In your journal, list the names of more people God is bringing to your mind to forgive. List what they did to you and how it affected you. Repeat the prayer above.
SHARE THIS QUOTE
