22

DECEMBER 2024

Pag-asa sa Panahon ng Pasko

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Timmy Yee

Tuwing Pasko ba ay kinakanta ninyo ang “Whispering Hope”? Ang Christmas song na ito ay tungkol sa pag-asa. Pero bakit nga ba tayo may pag-asa? Alamin sa pagpapatuloy ng ating series na “Pasko na Naman? Pasko Na!”

Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y maibibilang sa mga anak ng Diyos.

Mga Taga-Galacia 4:4–5

Pasko na naman, at sa tuwing sasapit ito, focused na naman tayo sa red tag sale at sa kung ano-anong pagkakagastusan. Kung may pera okey na okey, pero kung wala naman, nganga na lang. We spend most of the year thinking about Christmas, but would you agree that what we often think about is the material things we can have during this time?

We have associated this season with merry-making, festivities, and gifts. Kaya nga kung wala kang pera sa pagsapit ng Pasko, iiral ang lungkot at pagkabalisa. Hindi na nakakagulat na marami rin ang nade-depress sa panahong ito. Pero ano ba talaga ang Pasko?

Christmas is a season of hope. It is a reminder that at the right time, Jesus was born as a man to redeem us. God sent Him to the world as the solution to man’s greatest problem, which is sin. His birth is part of God’s redemption plan to save humanity from a life of eternal punishment. He was born as a baby, and when He grew up to be a mature man, He paid for the sins of humanity through His death on the cross. And all this is because of the love of God that is beyond human comprehension. God loved us so much that he sent His own Son as a sacrifice for our sins.

Kaya nga tuwing sasapit ang Pasko, alalahanin natin ang tunay na mensahe nito: pag-asa, pag-ibig, pagsasakripisyo, at pagliligtas. Mahal tayo ni Jesus. Siya’y naging tao at inalay Niya ang kanyang sarili para iligtas tayong lahat. Ikaw at ako ay may pag-asang makapiling Siya sa langit kung kikilalanin natin ang Kanyang pagsasakripisyo at Siya’y pananampalatayanan.

Let’s share the message of hope that Christ has come! Why don’t you share this good news to others, and join us again tomorrow. Kita kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Diyos Ama, salamat na ipinadala Ninyo ang Inyong Anak na si Jesus sa takdang panahon upang kami’y iligtas at palayain mula sa kasalanan. Lord Jesus, thank You that You gave Yourself as a gift for me and mankind. I accept You as my Savior. Amen.

APPLICATION

Celebrate Christmas by thanking and praising God for His love for you. And give others the gift of hope by sharing this devotion.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 10 =