3

MAY 2023

Pagpapatawad

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Michellan Alagao

We learned yesterday in our series “Dealing with Others Graciously” that being gracious means not being rude and not saying unkind words. Let’s continue to discover how else we can be gracious toward others.

Magpasensiya kayo sa isa’t isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Mga Taga-Colosas 3:13

Ang offense, lagi talagang darating ‘yan (Lucas 17:1). Mula sa harsh words at away sa kalsada habang nagda-drive, mga lamangan at inggitan sa opisina, hanggang sa agawan ng mga magkamag-anak sa mga mamanahing lupa at pera. Maraming dahilan para magalit, at sa maraming pagkakataon, talagang justified rin naman na masaktan at mainis.

Sa moment na nagalit tayo, diyan nagkakaroon ng opportunity ang sinfulness (Santiago 1:19–20). Nagbibitaw tayo ng mga salitang masasakit o di kaya’y gumaganti. Tapos iyong naka-offend sa atin ganoon din ang response, kaya nagkakaroon ng grudges at tumatagal ang away. Dito maaaring mag-ugat ang unforgiveness ― sa mga maling nagawa sa atin na paulit-ulit, o di kaya’y tunay na malalim at masakit.

Dito pumapasok ang grace ni Lord para hindi tayo ma-trap sa cycle ng offense at unforgiveness. Sa act ng forgiving, binibigyan Niya tayo ng incentive at reminder na tayo rin, we sin against God and other people. “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit” (Mateo 6:14). Kung ang Diyos ng lahat ng nilikha ay nagpapatawad, sino tayo, bilang mga taong nagkakasala, para ipagkait ang pagpapatawad sa iba? Binigyan tayo ng way out ni Lord mula sa tendency nating magtanim ng galit, na harmful di lamang sa ating mga nakaaway, kundi sa atin ring mga sarili (Awit 37:8). By forgiving, di lang natin nare-repair ang relationships natin, nai-improve pa natin ang mga ito (Kawikaan 17:9).

Ultimately, Jesus is our model of forgiveness. Habang nakapako sa krus, nag-intercede pa Siya on behalf ng mga taong gustong magpahamak sa Kanya. “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa,” sabi Niya (Lucas 23:34). Kaya maging mapagpatawad tayo, dahil ito ang will ni Lord, at ikagaganda ito ng ating relationships.

Join us again tomorrow para sabay-sabay tayong matuto kung paano maging gracious!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, patawarin Ninyo ko, and give me the grace na magpatawad rin. Minsan mahirap, kasi grabe ang ginawa nila sa akin, but I want to follow Your word. Help me do this.

APPLICATION

May kailangan ka bang patawarin ngayon? What is stopping you? Ask the Holy Spirit for the strength and mercy to forgive. Gumawa ng concrete steps para magawa ito. Halimbawa, i-invite mo yung taong iyon para mag-kape at makipag-usap.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 15 =