27

JANUARY 2024

Pangakong Hindi Napapako

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman

God’s Word is true. He never lies. Let’s continue our series “The Power of God’s Word.

Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya’y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito’y kanyang tutuparin.

Mga Bilang 23:19

At age thirty-four, malinaw pa rin sa alaala ni Majoy ang pangakong napako ng kanyang tatay. She was just nine years old noong pinaasa siya ng tatay niya na bibilhan siya ng bike. Naghintay siya na matupad ang pangako, ngunit hindi na kailanman dumating ang bike. Fast forward, minsan niyang kinausap at tinanong ang tatay niya, ngunit sa halip na magkaroon ng closure, ikinalungkot niya ang mga salitang binitawan nito. “Hindi ko na maalalang pinangakuan kita. Yung kapatid mo ang binilhan ko kasi siya ang marunong mag-bike.”

Bagamat sinabi niyang napatawad na niya ang tatay niya, lumaki si Majoy na may trust issues, at nahirapan siyang paniwalaan na mahal siya ng Panginoon.

Marahil nauunawaan mo ang sakit ng kabiguan. Hindi bat ang hirap maniwala lalo na kung ilang beses na ring napako ang pangako ng mga tao sa iyo?

Sa totoo, naiintindihan ni Lord kung may trust issues tayo. Hindi Niya tayo pinipilit na maniwala, pero gusto Niyang ipaabot sa atin na kahit hindi pa tayo handang magtiwala, buong-buo ang pangako ng Kanyang pagmamahal para sa atin.

Handa Siyang maghintay hanggang maging bukas ang puso natin na yakapin ang mga pangakong Kanyang binitawan para sa atin. At ang pinakamaganda sa lahat, maniwala man tayo o hindi, kailanman hinding-hindi magsisinungaling ang Panginoon tulad ng tao.

Kaya kung gusto mong subukang magtiwala sa Kanya, tiyak na hindi ka mabibigo. Nakasulat sa Bible ang Kanyang mga pangako, at itoy tiyak na hindi mapapako.

Sabi sa Mga Hebreo 10:23, “Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.”

Its so comforting to realize that God keeps His promises. May promise din kami sa inyo we promise that tomorrow isa na namang encouraging message ang maririnig natin tungkol sa “The Power of God’s Word. Kaya kita-kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, ilang beses na akong nabigo ng mga pangakong napako, ngunit sa Iyo gusto kong muling magtiwala at maniwala. Lord, heal my heart, and give me courage to hope and trust again. Help me to live with joy in Your promises.

APPLICATION

Download a Bible app and for seven days make a commitment to read verses about God’s promises. Highlight them or write them down in your planner or journal.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 3 =