13
DECEMBER, 2020
Pangakong Paghilom
Share with family and friends
1 Pedro 2:24
May mga sugat na maliit lang at madaling gumaling. Pero may mga sugat na kumplikado gaya ng emotional wounds na iyong iniinda. Mga sugat na hindi nakikita, pero nararamdaman. Mga salitang lumatay sa iyong pagkatao. Mga relasyong nawasak at tila imposible pang mabuo. Ang iyong nakaraan na hindi ka pinapatulog sa gabi, mga pangarap na gumuho, at pagsisisi.
We can’t heal on our own. Kaya’t ipinapaalala sa atin ng Bible ang ating pag-asa—si Jesus. Sabi sa 1 Pedro 2:24, “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.” Dahil sa sakripisyo Niya noon at pagmamahal Niya sa atin hanggang ngayon, may kakayahan si Jesus na lunasan ang lahat ng sugat—una na ang ating pagiging makasalanan, at pati na rin ang mga sugat ng ating katawan at kaluluwa. Siya ang Healer na umeeksamin sa ating kondisyon, nagtatahi at gumagamot ng mga bukas na sugat upang tuluyan itong magsara.
Have you been holding on to your wounds for far too long? Because His mercies are new every morning, gusto Niyang magsimula ka ngayon sa panibago mong buhay. Oras na upang patawarin mo ang iyong sarili for holding on to that anger, pain, and self-pity, at hayaan mong maranasan mo ang Kanyang forgiveness and mercy.
Walang sugat na hindi masakit. Pero walang sugat na hindi kayang paghilumin ng ating Ama sa Langit. Pangako Niya ang paghilom.
Share this encouraging page to family and friends.