15
MARCH 2024
Para sa Lahat ng Tao at Buong Pagkatao
Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya’t dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba’t ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.
Mateo 4:23–25
Noong nagdaang pandemic, good news para sa mga tao ang ayuda. Pero ang reklamo ng iba, pinipili lang daw ang nabibigyan at kulang na kulang naman ang natatanggap.Ganito rin kaya ang Good News ni Jesus?
Si Jesus ay nag-ikot sa iba‘t ibang lugar at naabot ang iba‘t ibang tao. Dala-dala Niya ang balita na ang paghahari ng Diyos ay dumarating na sa pamamagitan Niya. Ang mga binanggit na mga bayan dito sa Mateo 4:23–25 ay hindi lang lugar ng mga Judio — ibig sabihin, walang pinipili si Jesus! Pinupuntahan din Siya kahit ng mga taong nilalayuan naman ng iba. Ang mga maysakit, demon-possessed, at galing sa mahihirap na lugar ay madalas na hindi nakakasali sa religious activities noong panahon nila. Pero sa ministry ni Jesus, kasama sila!
Hindi lang ang lawak at dami ng naabot ni Jesus ang magandang makita natin. Pati na rin dapat ang pagbigay Niya ng attention sa mga karamdaman at kabigatang dala-dala ng mga tao. He didn‘t preach the Good News merely by speaking, but also by serving. Pinaranas Niya kung ano ang ibig sabihin kapag ang Diyos ang naghahari — there‘s hope and healing, joy and justice, care and compassion. Nakakapakinig ang mga tao at napapakinggan din naman ang mga hiling nila. Sa Mabuting Balita ni Jesus, may pagpansin sa mga dating pinapabayaan at may pagpasan ng kanilang mga kabigatan.
Nakaka-encourage ang pagmahahal ni Jesus para sa iba‘t ibang klase ng tao. At nakaka-inspire ang paglilingkod Niya para sa kanilang buong pagkatao!
LET’S PRAY
Ama, salamat sa pagmamahal Ninyo na pinaranas sa amin ni Jesus. Sana po ay tulungan Ninyo kami na magkaroon ng heart and willingness na katulad Niya na ipamahagi ang Magandang Balita sa lahat ng klase ng tao, by words and by works. Ipray this in Jesus‘ name. Amen.
APPLICATION
Isipin natin ang iba‘t ibang klase ng tao sa buhay natin. Ipanalangin sila at iparanas ang kabutihan ng Diyos kahit sa maliliit na bagay. Be kind to them. Be patient with their imperfections. Hangga‘t kaya, tumulong sa kanilang mga pangangailangan. At siyempre, ikwento sa kanila na si Jesus ay naghahari at nag-aalay ng pagmamahal at kapatawaran para sa lahat.