15

JULY 2024

Parang Asong Tumatahol

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Mga Kawikaan 15:1

Bahagi ng pet care, specifically for dogs, is taking them for walks. Parang ang dali lang ‘no? Abangan ninyo ang reaction ng ibang dogs. Kapag sa subdivision ninyo palalakarin ang mga ‘yan, mati-trigger ang ibang aso kaya maririnig ninyo ang katakut-takot na tahol! Bakit ba parang galit na galit sila? Kung early morning pa kayo magwo-walking, hay, magmamadali kayo talaga. Baka kasi magising ang mga taong tulog pa.

Minsan, may mag-asawang nag-walking with their dog. Kahit iniwasan pa nila ang mga kalyeng maraming aso, di pa rin nila natakasan ang tahol ng iba. Parang mababaliw nga ang ilan sa mga aso na walang tigil sa kaiikot at kasusubok na makawala sa gate. Nakakarindi sa tainga ang walang tigil na tahol. To be honest, nakakaasim din ng mood. Kaya laking tuwa ng mag-asawa nang mapansin nila ang isang asong maliit, isang dachshund, na tumitig lang sa kanila, bago bumitaw ng mahinahong, “Woof!” 

Napangiti ang mag-asawa. Hindi lamang ginhawa ang dinala sa kanila ng maliit na hayop kundi isa ring mahalagang paalala: Kapag may bagay na nagbabanta o nakakagalit, sa halip na mag-react, mag-reflect muna, saka mag-respond ng malumanay. Sa paraang ito, naiiwasan ang di pagkakaintindihan at pananakit sa iba. At sa halip na tumindi ang away at lumala ang sitwasyon, nagiging kalma ito. Natawa ang mag-asawa nang maisip nila na para silang mga asong tumatahol kapag pinapagalitan nila ang iba, lalo na ang kanilang mga anak. Nakakarindi pala sila at lalo lang napapalayo ang loob ng kanilang mga anak. Sa tuwa, kinunan nila ng picture ang munting aso na nagpaalala sa kanila na “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit” (Mga Kawikaan 15:1).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, thank You for making me aware na ang iba ay nasasaktan kapag galit ang aking pinairal. Forgive me for my anger. Tulungan Ninyo akong mag-respond the way You would. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Baka may pinapaalala sa iyo si Lord na kapamilya o kaibigan na may tampo sa iyo dahil minsan kang nag-react nang hindi maganda sa kanila. Pray for that person and given an opportunity, humingi ka ng sorry.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 8 =