12

FEBRUARY 2023

Pare, Parangalan Mo Naman si Kumare

by | 202302, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Edwin Arceo

Welcome back to our series, “God Commands Us to Love One Another”. In our series, we discover how we can love one another, at ngayon, tingnan natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa pagmamahal sa ating asawa.

Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.”

Genesis 2:18

Mga Kumpare, bakit ba kailangan nating parangalan si Kumare? Dinisenyo ng Diyos na si Kumare ay maging kasama nating mga husband sa paglilingkod sa Diyos. Sinabi sa Genesis na siya ay “helper” or “makakatulong,” pero not in the sense na gaya sa tinatawag natin sa panahon ngayon na “kasambahay.” Siya ay ginawa ng Diyos hindi para paglingkuran lamang tayo, kundi para kapantay nating maglingkod sa Panginoon. Meron lang tayong kanya-kanyang papel na ginagampanan.

Itinalaga ng Diyos na manguna tayong mga kalalakihan sa ating mga pamilya pero hindi tayo ginawang mas nakahihigit sa ating asawang babae. Naalala ko ang sinabi ni Christine Kairuz, ang beloved wife ng host ng The 700 Club Asia na si Peter Kairuz, sa kanilang Ministering to Ministers marriage seminar: “Eve was not taken from the head to dominate man, nor was she taken from the feet to be trampled upon by man. Eve was taken from the rib close to the heart to be loved, cared for, and nurtured by her man.”

Sabi nga ni Lord sa Genesis 2:18, “… it is not good that the man should be alone.” Hindi magiging mabuti ang kalagayan natin kung wala si kumare. Madalas si Kumare ang nakakagawa ng paraan para ma-solve ang isang problema. Siya din ang madalas na nagpu-push sa atin to do greater things. Kaya napakalaking benefit ni kumare sa ating buhay!

So pag may pagkakataon, parangalan mo si Kumare. Kilalanin mo na siya ay binigay ni God sa iyo for a great purpose.

Wives, abangan naman ninyo bukas kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa pagmamahal sa inyong mister. Last part na ng ating series na “God Commands Us to Love One Another,” kaya kita-kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako na palaging parangalan ang asawa ko sapagkat ito po ang nararapat. Kami po ay dinisign Ninyo for Your great purpose and for specific roles. Lord, I honor my wife.  Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Napakaraming paraan para ma-honor natin si Kumare. One of them is to always appreciate all her daily efforts maintaining our home. Isipin mo na lang kung pati ‘yun ay iniintindi mo pa di ba, e wala ka nang ibang magagawa. Kaya i-honor mo na siya agad!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 5 =