21

JANUARY 2026

Pasensya na Magulo ang Bahay

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, “Zaqueo, bumabâ ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.”

Lucas 19:5

“Tuloy ka!”

“Naku, pasensya na magulo ang bahay!”

“Feel at home ha!”  

Madalas iyan ang mga linya natin kapag may bumisita at hindi masyadong malinis ang ating bahay. As hospitable homeowners, we want our guests to feel comfortable. Nakakahiya naman kung magulo at madumi ang bahay, ’di ba?

Pero kahit magulo ang ating bahay, may mga kaibigan pa rin tayong willing pumunta. Sinasabi pa nga nila:  

“Ayos lang! Ikaw naman ang pupuntahan ko!”

“Huwag ka nang masyadong mag-abala; basta mag-kumustahan lang tayo.” 

Jesus is like that —  He wants to be there for us. Bahay o buhay man natin ang magulo, makakaasa tayo na walang pag-aalinlangang dadamayan at tutulungan tayo ni Lord, lalo na kung  pagbubuksan natin Siya ng pinto at tatanggapin. Gaya ng ginawa ni Zacchaeus.

Kilala sa Jericho si Zacchaeus na  isang tax collector — hindi lang basta tax collector kundi chief tax collector at napakayaman (Luke 19:2). Galit ang mga Judio sa kanya dahil nagtatrabaho siya para sa  mga Romano na sumakop sa kanila. Kaya ang turing nila kay Zacchaeus ay corrupt at makasalanan (v. 7). Pero kahit ganoon siya, binigyan siya ng pagkakataon ni Jesus. Nagulat ang mga tao nang ininvite ni Jesus ang sarili Niya sa bahay ni Zaccheus.

Nagtataka ka rin ba? Kahit gaano karumi ang naging buhay niya, ni-recognize ni Jesus ang puso at  pagsisikap  ni Zaccheus nang umakyat ito sa puno para makita Siya. Simula ng pagbisita ni Jesus sa bahay niya, his life changed for the better (Luke 19:810).

Minamahal tayo ng Panginoon, marumi man o malinis ang tingin ng mga tao sa atin. Nag-uumapaw ang pagmamahal Niya para sa atin at kalooban Niyang linisin tayo sa anumang karumihan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, nahihiya akong tumawag sa Iyo dahil magulo at marumi ang buhay ko, pero gusto Kitang anyayahan sa buhay ko. Ngayong nagsisisi ako, salamat sa Iyong pagpapatawad. Tulungan Mo akong magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa  buhay. Amen.

APPLICATION

Anong mga bagay sa iyong buhay ang handa mo nang ipaayos sa Panginoon? Kausapin mo Siya tungkol dito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 10 =