22
JANUARY 2026
Tatlong Beses!
Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya’t nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.
Daniel 6:10
Nagmamadaling umuwi si Ynah, isinara ang pintuan ng kuwarto niya dahil narinig niyang lalabas na ang resulta ng nursing board exam. Magkahalong kaba at excitement ang nadama niya. Nagpapawis ang kamay at malakas ang kabog ng dibdib niya. Ngunit bago ang lahat ay may naalala siya. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang lumang pulang notebook at pumuwesto sa may tabi ng kanyang kama at lumuhod habang unti-unting tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
Nagsimula siyang bumulong na para bang may kinakausap ngunit ito ay mahinang mahina pa. She then said something about her dreams — na nakasulat sa kanyang notebook. Nakita niya ang kanyang isinulat sa malalaking letra na buong pangalan niya; may nakalagay sa dulo na dalawang mahahalagang letra: “RN.” Dito ay nagsimula na siyang manalangin. Nagpasalamat siya sa courage na ibinigay ng Diyos noong siya ay nagrereview pa lang. Tinitigan niya ang kanyang pangalan at nanalangin, “Ikaw ang may Likha sa akin. Alam Mo ang lahat ng tungkol sa akin, at maging sa aking pamilya, maging ang pangarap ko. Sa Iyo, ito ay hindi iba. Lubos ang tiwala ko sa Iyo na ako ay hindi Mo pababayaan. Nasa Iyo ang aking pag-asa. Buong puso akong sa Iyo ay magtitiwala.” Tatlong beses niya itong inulit-ulit. “Sa Iyo ako ay magtitiwala, sa Iyo ako ay magtitiwala, sa Iyo ako ay magtitiwala.”
Maya-maya ay kumatok ang kanyang nanay, “Anak, lumabas na ang resulta, pasado ka!” Agad binuksan ni Ynah ang pinto at niyakap nang mahigpit ang kanyang ina.
May bisa ba ang pagsasabi niya ng linya nang tatlong beses, na parang mantra? Ang sagot sa mga panalangin ay hindi nakabatay sa formula at bilang na tatlo, kundi sa katapatan ng ating Panginoong Diyos na sa atin ay nagmamahal nang totoo.
LET’S PRAY
What a sweet feeling to know that You are speaking and listening to us. Thank You, Lord, for the gift of prayer.
APPLICATION
Start listing your prayers, feelings, and thoughts, and begin talking to God about them.
SHARE THIS QUOTE
