9
NOVEMBER 2024
Patnubay at Gabay
Sabihin mo sa matatandang babae na sila’y mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti, upang maakay nila ang mga kabataang babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak.
Tito 2:3–4
Bawat generation ay may particular trait. From the baby boomers who are traditional to the GenZ na sinasabing woke generation. Saan ka man kabilang, know that the principles in the Bible transcend generations and remain relevant today. Even in the time of Paul, he reminded the older believers to live a life worth emulating because the youth looked up to them.
Nakakalungkot isipin na mas naniniwala pa ang karamihan sa mga napapanood nila sa TikTok or YouTube. Napakalakas ng influence ng mga ito that lures the youth and even adults too. Unfortunately, not everything we see online is true, factual, and even biblical.
Paano kaya natin maibabalik ang paggalang at pagtingin ng youth sa mga magulang or matatanda? We need to get our act together. Before we even plan a grand youth event, why not engage them on a personal level? Pag-aralan nating makipag-usap sa kanila nang hindi puro sermon o pagpuna. Let us sincerely gain their trust so they can open up to us or even engage with us. And that’s the time we can impart godly influence on them.
Sabi nga, di ba, ang kabataan ang pag-asa ng kinabukasan. Kung walang matututunang kabutihan ang kabataan sa mga matatanda, ano na lang ang mangyayari sa future nila? They will pass on the same indifference and negative influence to their successor. Ayaw nating magaya sa mga Israelite na nakalimutan na ang mga aral ni Moses at tinalikuran ang Diyos. We can still change that for our children and our children’s children.
LET’S PRAY
Lord, teach us how to be wise so we can instruct the youth to be wise too. Help us live good lives so we can be good examples to the youth today. Enable us by Your grace to influence them for good. Please protect the hearts of our youth so that they may know You and entrust their lives to You. Amen.
APPLICATION
Have a light conversation with a young person today. Be an active listener and remember to pray for them too.