10

NOVEMBER 2024

Buhay Mayaman, Buhay Alipin

by | Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Jude G. Agbayani

Sapagkat si Yahweh ay kasama ni Jose at pinagtatagumpay siya sa lahat niyang gawain.

Genesis 39:23b

Masaya ang talakayan sa weekly meeting ng isang men’s group sa isang simbahan. Ang pinag-aaralan nila ay tungkol sa buhay ni Joseph, ayon sa Genesis 39.

Dumating si Joseph sa Egypt bilang isang alipin. Malayong-malayo ito sa dati niyang estado sa Canaan. Maykaya ang kanyang ama na si Jacob. At si Joseph ang paboritong anak.

Dahil sa kanilang pagka-inggit, pinagbili siya bilang alipin ng kanyang mga kapatid sa mga Ismaelita. Sabi ng isang member ng men’s group, “Ang lungkot sigurong buhay ni Joseph sa Egypt. Mula sa sheltered life sa Canaan, siya ay naging isang alipin. At wala siyang kakilala doon. Nag-iisa lamang siya. Mahirap ang bagong salta sa isang malaking siyudad. At marahil ay hindi niya rin alam ang lenguwahe.

Ngunit kahit ganito ang kanyang sitwasyon, si Joseph ay unti-unting umangat sa kanyang kinatatayuan. Sabi sa Genesis 39:2, “Pinatnubayan siya ni Yahweh.” At itong phrase na ito ay muling naulit sa verses 21 and 23. At dahil dito, “anuman ang kanyang gawin ay nagtatagumpay” (v. 2b), na binanggit ulit sa verse 23b. Napansin din ng kanyang among si Potiphar na tinutulungan ni Yahweh si Joseph. Kaya’t di katagalan ay na promote si Joseph. Ginawa siyang katiwala sa bahay at sa lahat ng ari-arian ng kanyang amo.

“Maganda at maayos marahil ang pagpapalaki ni Jacob sa kanyang mga anak. Matiyagang itinuro niya ang tungkol sa Diyos. At naalala ni Joseph ang mga turo ng kanyang ama. Kahit nag-iisa lamang siya sa Egypt. Alam niya na hindi siya pababayaan ni Yahweh,” ang dagdag na komento ng isa pa mula sa men’s group.   

Naranasan ni Joseph ang buhay-mayaman, at buhay-alipin. Sa bawat pagkakataon, ang Diyos ay kanyang kapiling.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Tulungan at turuan po Ninyo ako na huwag mawalan ng pag-asa. Alam ko po na hindi Ninyo ako pababayaan sa mga panahong dumadaan ako sa matinding challenges.

APPLICATION

Tandaan na sa mga pagkakataon na sunod-sunod ang mga problemang haharapin mo, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Tulad ni Joseph, ang Panginoon ang magiging kalakasan at sandigan mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 10 =