20
APRIL 2023
Patol Pa More?
Ang lingkod ng Diyos ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay magturo at matiyaga.
2 Timoteo 2:24
Natawag ka na bang patola? Hindi ‘yung napagkamalan kang gulay ha? Kundi ‘yung nasabihan kang mahilig ka raw pumatol sa mga argumento to the point na nakikipag-away ka na. Actually, marami talaga ang mga patola sa mundo. We’ve seen them on TV, heard them in our neighborhood, and read about their opinions on social media. Sa totoo lang, patolas have been around for ages. Hindi lang ngayong halos lahat ng tao may access sa Internet at may avenue to voice their opinions. Patolas can be in your eskinita, in the public market, among your siblings, or inside your meeting room. Sila ‘yung walang pinapalampas na issue, ‘yung tipong dapat lagi silang may masabi at parang laging may pinanghahawakang titulo as champion sa school debate.
The truth is, there is a patola inside of us. Even the calmest, meekest person have an inner patola if he does not control his temper and emotions. Being a patola is normal. It is part of being human. But the thing is, we should not channel that inner patola. Huwag tayong bibigay kapag naramdaman natin ‘yung urge na sumabat, pumatol, at makipag-away. Sure, we must not be a pushover. Tama naman na hindi tayo dapat manahimik lang in the face of wrongdoings and injustice. Kung kinakailangan nating magturo para ituwid ang mali, dapat natin itong gawin nang buong tiyaga, gaya ng sabi sa 2 Timothy 2:24.
Honestly, nakaka-tempt talagang pumatol kapag nakakabasa tayo ng mga bagay na hindi tayo sang-ayon. But we must choose our battles. Hindi tayo nilikha ng Diyos para maging war freak kundi para maging peacemakers. We are called to promote peace and harmony, and that is possible kapag mabuti tayong makitungo sa lahat.
LET’S PRAY
Our loving Father, sa araw-araw, maraming bagay na humahamon sa amin para hindi maging kalmado, gaya ng mga kumukontra sa aming mga paniniwala. I ask for self-control, discipline, and grace to remain calm. Help me control my temper and manage my emotions. As I walk in love, I pray that that people will see You in me.
APPLICATION
Sa susunod na may mabasa ka sa newsfeed mo na gusto mong patulan, huwag agad magpaka-patola. Instead, pause and ask God for wisdom on how you should respond.