21

APRIL 2023

The Word Revealed

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Prexy Calvario

Today we start a new series titled “Love the Word of God.” Let’s discover “who” the Word of God is.

Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Juan 1:1–3

Sino ba naman ang hindi mabibilib sa taong may isang salita, o man of word? Kapag sinabi niya na gagawin niya ang isang bagay ay gagawin niya nga ito, anuman ang mangyari. Kapag sinabi niya na, “Pare, magkita tayo ng alas tres ng hapon,” mismong alas tres ng hapon at sa napagkasunduang lugar ay nandoon nga siya. Talaga namang mabibilib ka sa ganitong klase ng tao dahil kung anong sinabi niya ay ginagawa niya.

Sa panimula ng book of John, tinatawag si Jesus na Salita o Word. Kung babasahin natin ang unang chapter ng Genesis, maiintindihan kung bakit si Jesus ay Word. Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Salita. Nang sinabi niyang, “Let there be light!” aba, nagkaroon nga ng liwanag at nabukod ang dilim. Bago pa man ang simula ay kasama na ng Diyos ang Salita at sa pamamagitan ng Salitang binitawan Niya ay nalikha ang lahat. Walang nilikha na hindi nanggaling sa Salita. And this Word Himself is God. Nakakabilib ang Salita ng Diyos, hindi ba? At alam ba ninyo kung ano ang mas nakakabilib?

Ang Salita na kasama ng Diyos sa panimula pa lang at sa paglikha sa lahat ng bagay ay Siya rin mismong pangako ng Diyos na kaligtasan. Nagkatawang-tao ang Salita at binayaran ang kasalanan natin upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. At ang Salita na tinutukoy ni John ay walang iba kundi si Jesus Christ. Jesus is the Living Word of God. Wow! What a revelation!

Let’s love the Word of God because Jesus Himself is the Word of God. See you tomorrow as we continue this series.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for revealing to us that Jesus is the Word who’s with You in the creation and who continues to make things new for those who trust Him. Lord, sa isang salita Ninyo lang makakaasa kami na ito ay katuparan ng pangako Ninyo sa amin.

APPLICATION

Meditate on John 1:1–3. Ask the Lord to reveal to you what it means for Jesus to be active in creation and making things new in your life. Write this in your journal.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 5 =