24

APRIL 2022

Pera-Pera Lang ba Talaga?

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Deb Arquiza

“Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.”

Lucas 9:25

Nag-viral sa social media ang Korean series na Squid Game. Kwento ito ng mga taong salat sa buhay at desperadong makaahon sa kanilang mga utang, dahilan para sumali sila sa isang game kung saan matira ang matibay. Sa game na ito, kinailangan nilang saktan ang isa’t isa, even to the extent of killing each other, all for the prize money.

In reality, may mga tao talagang handang isugal lahat para lamang sa pera. This is one reason why there are people na kahit delikado ay nakakagawa ng masama, nakakapatay, nagnanakaw, at nandaraya. People think that money is the solution to every problem we have. Sabi ng iba, “Kung marami lang sana akong pera, magiging OK na ang buhay ko at sasaya na ako.” Pera rin ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagpapakapagod magtrabaho kahit minsan ay hindi na kinakaya ng kanilang katawan.

But, the truth is: Kahit marami tayong pera, hindi parin tayo lubusang makukumpleto at sasaya. Hindi lahat ng bagay ay mabibili ng pera. Hindi lahat ng problema ay masosolusyunan ng pera. Aanhin natin ang pera kung wasak naman ang ating pamilya? Aanhin natin ang pera kung wala na tayong mga kaibigan na natira? Aanhin natin ang pera kung dahil naman dito ay makagagawa tayo ng masama sa ating kapwa at hindi na matatahimik ang ating mga konsyensya? Aanhin natin ang pera kung magkakasakit naman tayo ng malala at hindi na ito kayang gamutin pa? We are not here on this earth para lang kumita ng pera at magpayaman. Maraming bagay ang mas importante kaysa sa pera—good health, relationships, family, love, peace, and joy. Don’t be obsessed with money. Don’t lose your soul just because of money. Ang buhay ng tao ay hindi pera-pera lang. Hindi masama ang pera at magkaroon ng marami nito. Kailangan natin ang pera para mabuhay but let us remember that money can never satisfy us. Only Jesus can.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, patawarin Ninyo po ako kung masyado kong minahal ang pera at naging idol ko na ito sa aking buhay. Free me from greed, materialism, and the love of money. Help me to find my satisfaction in You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Evaluate your financial goals and set realistic ones. Spend more time with your loved ones sa halip na mag-overtime palagi sa work.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 12 =