16
OCTOBER 2024
Playlist Para sa Mga Lunod sa Problema
What we hear, see, or read can encourage or discourage us. Let’s find out our devotion’s recommendation in the last part our series “Sa Panginoon, Laging May Pag-asa!”
Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko, aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Awit 3:3 (Ang Biblia)
Naaalala mo pa ba kung ano ang kantang lagi mong pinapakinggan sa ganitong date last year or the year before? Malamang para sa nakararami, mahirap itong sagutin. Pero alam ba ninyo na may isang koleksyon ng mga kanta na matatagpuan sa Biblia na hanggang ngayon ay binabasa o kinakanta pa rin kahit na ang karamihan ay sinulat 1,000 years bago ipinanganak si Jesus?
It’s the Book of Psalms, at sinasabing kalahati ng mga awit na matatagpuan dito ay sinulat ni Haring David. Maraming pinagdaanang pagsubok si David dahil sa pagtugis sa kanya ng mga kalaban at bilang parusa sa isang kasalanang nagawa niya. Sa mga awit na sinulat niya, he cried out to God for help. Hindi niya itinago ang mga nararamdaman niya. All of it was raw and real. And yet, kahit pa hindi pa dumadating ang tulong na hinihingi niya galing sa Panginoon, kahit na tuloy pa rin ang paghihirap niya, David ended most of the psalms praising the Lord.
Isinulat ni David ang Awit 3 noong nagtatago siya sa anak na gustong agawin ang korona sa kanya. Marami ang nagsabi sa kanyang huwag umasang may darating na tulong galing sa Diyos. Pero pinili niyang gawin ang kabaligtaran nito. He claimed that God will protect, shield, and save him.
Sa awit na ito, tinawag din ni David ang Panginoon na “tagapagtaas ng aking ulo.” Napaka-relateable dahil hindi nga ba, kapag may pinagdadaanan tayo, ang tendency ay napapatungo tayo na para bang nakapasan ang daigdig sa mga balikat natin?
Kung may pinagdadaanan ka ngayon, turn to the Book of Psalms. Comforting na malamang normal lang magkaproblema. Inspiring mabasa kung paanong in the middle of a difficult period, puwede kang lumapit at kumapit sa Panginoon. At magagawa mo pa ring magpupuri, knowing that He is faithful. He will deliver you from what you are going through.
Thank you for joining us here in Tanglaw. If you’ve enjoyed listening to this podcast and would like to support the ongoing efforts of this ministry, you can do so by visiting https://www.cbnasia.org/give or click the heart icon on the Tanglaw App and make a donation. Thank you.
LET’S PRAY
Lord, lumalapit ako sa Inyo bilang anak Ninyo. Yakapin Ninyo ako nang buong pagmamahal. Sa biyaya Ninyo, malalagpasan ko ang paghihirap na pinagdadaanan ko.
APPLICATION
Gumawa ng sarili mong Psalm. Start by expressing your feelings about what you’re going through. Afterward, isipin mo ang katangian ng Panginoon na kailangan mo sa panahong ito. Praise Him for who He is and be confident that He will soon help You.