20

APRIL 2026

Random Acts of Kindness

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya’y naawa.”

Lucas 10:33

Nagbabakasyon si Ninoy kasama ng kanyang best friend, si Jimmy, sa Bangkok for five days. One time, pumunta sila sa isang busy intersection malapit sa BKK Zoo. Maraming pedestrians ang naghihintay ng green light.

Dahil walang dumadaan na sasakyan, tumawid na si Ninoy. Naiwan si Jimmy. Ang problema, hindi napansin ni Ninoy ang isang mabilis na motorsiklo na parating.  Nahagip siya at tumilapon ng limang metro ang layo. Nawalan siya ng malay nang five minutes.

Nang magising siya, hindi niya alam kung nasaan siya o kung ano ang nangyari sa kanya. It took a while bago bumalik ang kanyang tamang pag-iisip.

“Akala ko patay ka na,” sabi ni Jimmy. “‘Di ka kasi gumagalaw.”

Tinulungan siyang tumayo at dahan-dahang lumakad sa sidewalk. Dagdag ni Jimmy “Mabait talaga ang Thais. Pinaligiran ka para di ka masagasaan. Marami kasing dumadaang sasakyan. May nag-abot ng eyeglasses mo sa akin. May tumawag ng ambulansya.”

Kahit isang foreigner si Ninoy, di nag-atubili ang locals na tulungan siya. Nagpasalamat siya sa mga taong tumulong. Ngumiti si Ninoy sa kanila at nag-fold ng kamay sa harap ng mukha at tumango. Ganoon din ang ginawa nila kay Ninoy.

Nagpasalamat din si Ninoy sa Diyos. “Lord, thank You for protecting me. And giving me a new lease on life.”

Mula noon, mas naging matulungin na si Ninoy pagbalik niya sa Manila. Hindi na siya nag-aatubiling tumulong sa kapwa. Minsan, may nakita siyang matandang lalaki na natumba sa pag akyat ng stairs papunta sa MRT station. Kaagad siyang lumapit dito at inakay niya. Ito ang tinatawag na “random act of kindness.” Kahit hindi mo kilala, kapag nangangailangan ng tulong, gawin mo ito. And hopefully ‘yung ginawa mo sa iyong kapwa ay susuklian ng paggawa rin ng mabuti sa kanilang makakasalamuha in the future.  

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Tulungan po Ninyo ako, O Diyos, na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga tao sa aking paligid. Nawa’y makatulong po ako sa kanila.

APPLICATION

Mula sa araw na ito, mas maging matulungin ka. Humanap ng pagkakataon kung papaano ka makakatulong sa kapwa.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 3 =