21

APRIL 2026

Recommendation Letter ni Paul

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Precious Marian Calvario

Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

2 Mga Taga Corinto 5: 21

Bagsak sa compliance certification si Hershey. Ang industry nila ay may kinalaman sa tiwala at strict confidentiality at seryosong offense ang nagawa niya. Posibleng ma-blacklist siya sa kahit anong kumpanya within the industry. Buti na lang, nabigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag at ma-retrain. Base ito sa recommendation ng Compliance Manager na nag-vouch para sa kanya. Naging mentee niya si Hershey at kung ano man daw ang pagkukulang niya, siya na ang sasagot.

Ganito ang tema ng sulat ni Apostle Paul kay Philemon, isang Christ-follower at mayamang slave owner, patungkol sa alipin niyang si Onesimus. During these times, slaves were owned by their masters. May pagkakamaling nagawa si Onesimus kay Philemon. Lumala pa ito nang tumakas siya at pumuntang Rome. There, he met Paul who became his mentor and served with him. Alam ni Paul na kahit nagse-serve si Onesimus sa ministry, kailangan pa ring ituwid ang nagawa niya against Philemon. Sa sulat, nakiusap at namagitan si Paul kay Philemon na bilang Christ-follower na rin si Onesimus, tanggapin niya ito tulad ng pagtanggap sa kanya (Philemon 1:17) at kung may nagawang mali o utang ay siya na ang magbabayad (vv. 1819). At dahil may tiwala si Paul sa faith ni Philemon, sure siya na susundin niya ito at higit pa rito ang gagawin niya (v. 21).

Walang atraso si Paul kay Philemon, ngunit namagitan siya sa kanila ni Onesimus upang magkapatawaran at mag-reconcile ang dalawa. Tulad ng kung paanong si Jesus Christ ay walang bahid ng kasalanan ngunit inako ang kaparusahan ng ating kasalanan sa krus upang matanggap natin ang forgiveness at reconciliation mula kay God. God also gave us the ministry of reconciliation through Christ Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your gift of reconciliation. Like Paul, use me as an instrument of reconciliation among my family, peers, and church. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Is God reminding you of people who are not on good terms with each other? Pray for them and ask God how you can be an instrument to their reconciliation.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 8 =