20

AUGUST 2024

Ready Ang Pocket But Where’s the Money?

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by PMVClapano

Welcome to the last part of our series “Magaang Buhay!”

Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Mga Taga-Filipos 4:12–13

Sumadsad na sa ilalim ng rice box ang cup na pansaing ng batang si Joice. Bukod dito, wala na silang uulamin. Despite this, hindi siya nag-worry dahil kahit kailan, hindi siya binigo ni Lord. Naging example kasi niya ang kanyang nanay na sa tuwing nagigipit, sa Panginoon kumakapit.

Pagkatapos magsaing, lumuhod sila at nag-pray. Sabi ni Joice, “Lord, kagaya ng sinabi mo sa Mateo 6:26 na ang mga ibon nga ay pinapakain Mo, what more kaming mga naniniwala sa Iyo? Wala po kaming ulam at huling saing na po namin. Nagtitiwala po ako na Ikaw ang magpapadala ng miracle sa amin. Thank You, Lord. Amen.”

After praying, naghain na ang mga kapatid ni Joice at nag-abang naman siya sa kanilang pintuan. Maya-maya pa, dumating ang sagot sa kanilang prayer. May dalang ulam ang kanyang papa galing sa isang katrabaho. At hindi lang iyon, may kasama pang limang kilo na bigas.

Tulad ng nangyari sa family ni Joice, there are moments na talagang tight ang pera. Maybe because we have a big family or someone is sick kaya madaming dagdag sa gastusin o baka naman nawalan tayo o ang mga magulang natin ng trabaho. Whatever our circumstances may be, we can always choose to trust God in our season of lack. God still performs miracles kahit sa panahong ito. Kahit mas madaling mag-worry, we can choose to pray and wait with eager expectation sa gagawin ni Lord.

Kung nasa “not enough” season tayo ngayon, huwag tayong mag-alala dahil buhay si Jesus! He will meet all our needs (Mga Taga-Filipos 4:19)! Darating din tayo sa “more than enough” season ng buhay natin. Kaya i-ready ang pocket and trust that God will provide.

If you’ve enjoyed listening to this podcast and would like to support the ongoing efforts of this ministry, you can do so by visiting https://www.cbnasia.org/give or click the heart icon on the Tanglaw App and make a donation. Thank you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, sobrang tight po ng money ko ngayon. I have bills and debts to pay. Gusto ko na po mag-worry pero salamat for reminding me to trust You sa kabila ng lahat ng pangangailangan ko. I know that You will help me and provide for me and my family. Thank You, Lord, for always being there for us.

 

APPLICATION

Na-bless ka ba sa devotional na ito? Puwede mo rin itong ibahagi sa iba. Just click the Share button and bless them with God’s Word today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 7 =