7
APRIL 2025
Ready to Move
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.
Mga Taga-Roma 12:11
Nasa transition period ka ba? ‘Yung tipong last week mo na sa work kaya wala ka nang ganang magtrabaho? O patapos na ang school term kaya tinatamad ka nang pumasok sa school? Wala ka nang pakialam sa natitira mong tasks. Hinihintay mo na lang ang last day mo sa work or school. Reading-ready ka nang mag-move on.
Kung oo ang sagot mo to any of these questions, heto ang isang not-so-gentle reminder mula kay Apostle Paul: “Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.”
May unique gifts na ibinigay si Lord sa bawat isa sa atin (Romans 12:6). At kapag ginamit mo ang gift mo nang tama at para sa tama, you are showing na mahal at ino-honor mo ang nagbigay ng gift na ito. It doesn’t matter kung one year pa or one week mo na lang ito gagamitin. We are encouraged na ibigay pa rin ang ating best habang nasa lugar tayo na pinaglagyan ni Lord sa atin.
Pero hindi lang ‘yan. May kasamang pangako ang matapat na pagtatrabaho para kay Lord. Sabi sa Awit 128, mapalad ang sumusunod sa utos ng Panginoon. Kung gagawin mo ang Kanyang gusto, “ma-eenjoy mo ang bunga ng pinaghirapan mo, magiging masaya ka at gaganda ang buhay mo” (Psalm 128:2, Pinoy Bible).
Ready to move ka na ba? Kating-kati ka na bang umalis sa iyong current workplace o school? May Romans 12:11 serve as an invitation to give your best to the Lord, hanggang dalhin ka Niya sa next place na ia-assign Niya for you.
LET’S PRAY
Lord, excited na akong mag-start ng new chapter ng buhay ko. Pero habang nandito pa ako sa lugar na inassign Ninyo sa akin, tulungan Ninyo akong ibigay pa rin ang best ko. May the work of my hands always bring honor to You. Amen.
APPLICATION
Magsulat ng encouraging verses and quotes sa post-its. Idikit sila sa mga lugar na madali mong makikita tuwing kailangan mo ng motivation to finish your work.
SHARE THIS QUOTE
