9
DECEMBER 2023
Real Refreshment
Kapatid, ang pag-ibig na iyon ang nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.
Filemon 1:7
Napansin mo ba na napakaraming coffee shops ngayon? Dahil di natin afford ang mag-travel palagi para mag-relax at unwind, ang pag-inom ng overpriced coffee sa cozy café ang nagiging outlet natin. Gusto nating sumaya, gusto nating ma-refresh dahil nanunuyot na tayo sa stress ng buhay.
Kaya naman, ang makakilala ng isang taong kayang mag-refresh ng mga nasa paligid niya ay isang malaking blessing. Gaya ni Philemon na naging pagpapala kay Paul. Sa kanyang liham, ibinahagi ni Apostle Paul kung gaano siya kasaya at puno ng pasasalamat dahil kay Philemon na isang mayamang Cristiano na taga-Colossae. Ang kanyang tahanan ay bukas sa kapwa believers at lahat ng nasa kanyang paligid ay nabe-bless sa kanyang encouragement at financial generosity (Filemon 1:4–7).
How we wish we can also refresh others! ‘Yung kapag may kausap at kasama tayong tao, na-eenergize natin sila kahit di pa sila nagkakape. It would be nice kung na-iinfluence natin sila positively at nakakapag-add tayo ng kasiyahan at kalakasan sa buhay nila. Anumang katayuan natin sa buhay, nais ng Diyos na maging pagpapala tayo sa kahit anong paraan sa ating pamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase, kamag-anak, ka-churchmate, at sa lahat ng kakilala natin. Pero imposible natin itong magawa nang mag-isa. Dahil napapagod din tayo, kailangan natin ng refreshment at tagapamatid ng uhaw ― at walang iba iyon kundi ang Diyos.
Kung may personal relationship tayo sa Panginoon mararanasan natin ang joy, encouragement, at refreshment na nagmumula sa Kanya at magiging daluyan din tayo nito sa ibang tao. Ang pag-ibig na nagmumula sa Diyos na nasa atin ang magdudulot ng malaking katuwaan at kaaliwan sa iba.
LET’S PRAY
Lord, lumalapit ako sa Inyo para mapatid ang aking uhaw at maalis ang aking pagod. Sa Inyo lang ako kumukuha ng lakas at ligaya. Kayo po ang mag-refresh sa akin para hindi ako maburn-out at magawa ko ring maging pagpapala sa iba. In Jesus’ name I pray. Amen.
APPLICATION
List down five simple things you can do to refresh others. With God’s help, find opportunities para mai-apply mo ito bawat araw.