8

DECEMBER 2023

Kamay ng Hustisya

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Trish Chu & Written by Timmy Yee

Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya’y walang kapintasan, mga pasya niya’y pawang makatarungan; siya’y Diyos na tapat at makatuwiran.

Deuteronomio 32:4

Halimbawa ay nagbibisikleta ka sa bike lane at biglang may motor na nag-cut sa iyong harapan kaya muntik ka nang sumemplang. Hahabulin mo ba? Gagantihan mo ba? Isa lang ito sa mga pangyayaring maaari nating ikagalit sa kalsada. Pero paano kung may buhay na napahamak dahil sa reckless driving? Hindi ba hihingi ka ng hustisya?

Mahirap ang maghintay at magtiis para makamit ang hustisya lalong-lalo na kung nagdulot ito ng matinding dalamhati at sakit sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Sabi nga, “Justice delayed is justice denied.” Pero ano ang mangyayari sa isang lipunan kung saan ang mga tao mismo ang naglalagay ng hustisya sa sarili nilang mga kamay? We can imagine a bigger chaos.

God is a God of justice, and He wants us to act justly. Pero kung tayo ang nangangailangan ng hustisya at hindi pa ito dumarating, maasahan natin na ang Diyos ay tunay na matuwid. Kapakanan natin ang Kanyang laging nasa isip. Isipin mo na lang si Joseph na napagbintangan at nakulong nang matagal; pero mula sa pagiging prisoner ay naging prime minister (Genesis 39:19–40:1–23; 41:37–44). Si Job na nakaranas ng maraming trahedya sa buhay, pero sa huli ay pinagpala siya ng Diyos ng higit sa mga nawala niyang ari-arian at mga anak (Job 42:12–17).

Hindi man natin maranasan sa mundong ito ang hinahanap nating hustisya ayon sa ating pagkaunawa, maaasahan natin ang sinabi ng Deuteronomy 32:4: “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya’y walang kapintasan, mga pasya niya’y pawang makatarungan; siya’y Diyos na tapat at makatuwiran.” Righteousness and justice are the foundation of God’s throne (Psalm 89:14). Walang makabubuwag sa katarungan ng Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, alisin po Ninyo ang pait at pasakit na dinulot ng inhustisya sa buhay ko at ng mga taong naagrabyado. Let your will be done. I will fully trust in Your divine justice. Amen.

APPLICATION

Nakakaranas ka ba ng kawalan ng hustisya? Lagi ba itong gumugulo sa iyong isipan? Huwag mong isipin na hindi ka pinapansin ng Diyos (Isaias 40:27). Isuko mo ang iyong sitwasyon at hayaan mong ang Panginoong Jesus ang magturo sa iyo ng mabuting gawin.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 8 =