10

NOVEMBER 2026

Sa Loob ng Emergency Room

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang tangkay ng tambo. Siya’y ininsulto nila, niluhud-luhuran at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Siya’y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo at ito’y inihampas sa kanyang ulo.

Mateo 27:29–30

Sa loob ng emergency room masasaksihan ang iba’t ibang kalagayan ng mga maysakit. Kung isa ka sa mga pasyente, ang hirap hindi ma-stress sa mga nakikita mo habang ikaw mismo ay may iniindang sakit.

Sa mga pagkakataong nakakaranas ang katawan natin ng kahinaan, patunay ito na may hangganan ang ating lakas. In pain and vulnerabilities, mahaharap tayo sa realidad ng ating limitasyon, at ang natatanging puwede nating kapitang kalakasan ay ang makapangyarihang Diyos na lumikha sa atin. Sa ER mahirap makahanap ng pag-asa, lalo kung puno ng paghihirap ang makikita mo. Pero kung ikaw ay may faith  sa Panginoon, maaari mong kapitan ang pag-asa na alam Niya ang nararamdaman mong sakit, at hindi ka nag-iisa sa iyong laban.

Pero higit lalo nating mauunawaan ang kalakasang kayang ipagkaloob ng Diyos kung babalikan natin kung paano Niya napagtagumpayan ang pinakamatinding pasakit na dinanas Niya bago Siya ipako sa krus. Marahil hindi na bago ang kuwentong ito sa atin pero kailanman hindi maluluma ang dulot nitong pag-asa.

Sinampal, dinuruan, sinuntok, kinutya, hinagupit nang madiin, malakas, at paulit ulit. Bawat hampas ng tinatawag na flagrum, o latigo na may bakabato o tingga sa dulo, ay bumabaon sa balat. Marami ang nagulat nang Siya’y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi na makilala kung Siya ay tao (Isaias 52:14).

Brutal at hindi makatao ang ginawa kay Jesus, pero sa ngalan ng pagmamahal para sa atin, tinanggap Niya iyon. Nagtagumpay Siya sa Kanyang misyon na tayo’y mailigtas sa ating kasalanan — namatay Siya sa krus at muling nabuhay matapos ang tatlong araw. When we face pain and vulnerabilities, remember that Jesus is with you and for you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, in my pain I will choose to remember that You are good and loving. Thank You for bearing all the pain and for dying on the cross to save me from my sin. Comfort me with Your promises, and heal me with Your touch. Amen.

APPLICATION

If people who are dear to you are sick, pray for them and share this devotion as a gentle reminder that they are not alone.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 1 =