13

DECEMBER 2024

Sabi ng Nanay Ko

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Jude G. Agbayani

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.

Mga Kawikaan 22:6

Sumikat noong late ‘70s at nanalo ng iba’t-ibang awards sa buong mundo ang kanta ni Freddie Aguilar na “Anak.” Na-translate din ito sa maraming language dahil sa relatable message nito about the relationship between a parent and child.

Parents want the best for their children. Nagsisikap ang mga magulang para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Sabi nga sa kanta, napupuyat ang mga nanay sa pag-aaruga ng kanilang baby. Pero kapag lumaki na ang anak, parang balewala na ang lahat ng sakripisyo ng magulang. Natututo na maging independent at gumawa ng sariling desisyon ang mga anak. Minsan nagiging mitsa ito ng misunderstanding sa bahay. Feeling ng mga anak, wala silang kalayaan o nasasakal sila. Habang ang magulang naman ay nangangamba sa future ng kanilang mga anak. Both are valid feelings but don’t get processed, which creates unresolved issues in the family. 

King Solomon reminds parents to teach their children while they are young (Proverbs 22:6). Teach them to have one-on-one time with the Lord to grow their character. Show them the Lord’s command to children to honor their parents, which brings reward (Ephesians 6:1–4). If they eventually decide to walk away from it, huwag nating kalimutan that God is still at work in their life.

Ang parenting skills ay isa lang way para mapalaki nang maayos ang mga anak. Kung sakaling makalimutan nila ang mga aral natin, ipagkatiwala natin sila sa Diyos Ama para ibalik sila. Kung madapa man ang mga anak natin, let us allow God to protect and comfort them while, at the same time, making them feel loved and accepted.

Hindi madaling maging magulang sa panahong ito. Napakaraming conflicting ideas and principles na maaaring marinig ng ating mga anak. But by God’s grace, let us remain faithful to our calling to teach our children what is true, noble, right, and trustworthy, which is God’s Word.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I struggle with parenting my child. Give me the patience to teach them and extend grace especially when it is hard. I need wisdom so I can be a better parent.

APPLICATION

Tanungin mo ang iyong mga anak kung paano ka puwedeng mag-improve as a parent. Kung ikaw naman ay anak, tanungin mo ang iyong mga magulang kung paano ka mas magiging mabuting anak.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 5 =