31

MARCH 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

“Hindi ba’t ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Mateo 10:29–31

Minsan, may mga bagay sa ating buhay na maliit, pangkaraniwan, at halos walang halaga subalit ginagamit sila ng Diyos para matupad ang Kanyang kalooban at maipamalas ang Kanyang kadakilaan.

The late Corrie ten Boom was a Holocaust survivor who marvelled at how God used fleas, o mga garapata, para lumayo ang mga sundalo sa barracks nila. Dahil dito, nakapagpatuloy sina Corrie ng pag-aaral ng Biblia sa concentration camp. Noong una, hindi ma-apply ni Corrie ang magpasalamat sa lahat ng pagkakataon dahil nga naman mga peste ang garapata. Sagabal sa kanila pero later on, nakita niya ang wisdom ni God. The presence of these pests was for their protection pala.

Hindi nakapagpa-gasolina si Cel dahil hindi tumatanggap ng mobile payment ang gas station. Na-frustrate si Cel dahil dito. Lingid sa kanyang kaalaman, later that night, maka-carnap siya. Good thing na hindi nakalayo ang carnappers dahil nawalan ng gasolina ang sasakyan. Eventually, na-recover din ni Cel ang vehicle niya. Dito niya nakita that God led her to a station that had no mobile payment option to protect what was hers. Her initial frustration over not being able to gas up was really God’s protection. See how God is sovereign, even over insignificant events?

Ang maya ay isang maliit at pangkaraniwang ibon. It is so easy to ignore such a common creature but wait, even they have the attention of the God of all creation. Sabi sa verse, hindi nahuhulog ang kahit isa sa kanila kung hindi kalooban Niya. Even a strand of hair, pansin pa rin ni Lord.

Are you frustrated over something? O baka feeling mo ang liit ng concern mo o wala kang halaga. Huwag kang mapanghinaan ng loob. Walang duda, mas mahalaga ka sa karaniwang maya at dahil God is in total control, even of the smallest things, kahit sagabal pa ’yan, you can definitely trust Him. He has a plan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat. You are sovereign even over the things that frustrate me. Nagtitiwala ako na alam mo ang kahihinatnan ng lahat ng ito, and it will be for my good and Your glory. Amen.

APPLICATION

Take some time to reflect on the things that frustrate you. List them down and after each one say, “Lord I trust that You will use this for my good. Amen.”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 14 =