8

JANUARY 2025

Sagot Ko Na ang Utang Mo

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Karen Mae Guarin-Lee

May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan.

Colosas 2:14 ASND

Si Danny ay may mahigit sa isang milyong pisong utang. Natapos ang kanyang problema nang isang araw ay may mga taong nagbayad ng lahat ng ito para sa kanya. Paid in full at walang kapalit!

Bago ito mangyari ay dumating siya sa puntong halos tatlong oras kada araw na lang ang tulog ni Danny sa kakatrabaho para lang makaipon ng pambayad. Binabangungot na nga rin siya sa sobrang pagkabahala. Kaya ganoon na lang ang gulat at pasasalamat niya sa mga taong sumagot sa kanyang mga pagkaka-utang.

May ganito ka rin bang kalaking utang o problema? Walang problemang hindi kayang solusyunan ni Jesus. Kaya wag kang susuko! Sa bawat araw na may hininga ay meron pa rin tayong pag-asa. Pag-asa na ngayon at sa susunod pang mga araw ay marami pang mas magagandang puwedeng mangyari sa buhay mo. Hindi palaging mahirap, masakit, at magulo. Ang lahat ng mga problemang ito ay kayang tuldukan ng ating Panginoon.

Today’s verse speaks of our heavenly Father’s deep love for us. Hindi na bago sa Anak Niyang si Jesus na sagutin ang ating mga pananagutan. He Himself paid all the debts of our sins kaya naman nagkaroon tayo ng daan to eternal life with Him in heaven. Ito ay kung tatanggapin natin ang Kanyang imbitasyon to receive Him as the Lord and Savior of our lives (Juan 3:16). Kung gusto mong tanggapin ang Kanyang imbitasyon, tara, sabayan mo akong manalangin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, patawarin Mo ako sa lahat ng aking mga kasalanan. Isinusuko ko ang aking buhay at lahat ng problema ko sa Iyo. Tinatanggap Kita bilang Diyos at Tagapagligtas ng aking buhay. Baguhin Mo ako at gamitin Mo ang buhay ko para sa Iyong kaluwalhatian. In Your Name, I pray. Amen.

APPLICATION

Anong pangako at katangian ni Jesus ang kinakapitan ng pag-asa mo? Share it with a group and thank the Lord in advance for His answers to your prayers. And if you’ve prayed to receive Christ in your life, click the Chat With Us button at the upper right corner of the Tanglaw app or call CBN Asia’s Prayer Center at 02-8737-0700. Meron tayong prayer counselor na puwede mong makausap at manalangin kasama mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 14 =