7
JANUARY 2025
Kaliwa o Kanan?
Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”
Isaias 30:21
Narinig mo na ba yung expression na, “Damned if you do and damned if you don’t”? It means na kahit na ano pa ang maging decision mo about something, ikaw pa din ang lalabas na mali. Kumaliwa o kumanan ka man, ikaw ang may kasalanan. Ang hirap ng kalagayan na iyon, ‘di ba?
We will need to make many hard decisions sa ating buhay. It may make or break your relationship with others — even sa mga mahal mo sa buhay — or may result in losing jobs, opportunities, or favors. Kapag dumating ka sa mga puntong iyon, remember to ask God’s Holy Spirit for guidance, who generously gives wisdom without finding fault (James 1:5).
Naalala mo ba si Abraham when God asked him to offer his only son, Isaac? Or si Joseph the carpenter, who was betrothed to be married kay Mary na ipinagbubuntis na si Jesus by the power of the Holy Spirit? They both made hard decisions. Anuman ang maging decision nila, puwede silang ma-criticize ng mga tao. Alam nila na mahirap ang kahit anong decision, but they persevered in obeying God, doing what He wanted them to do. At ito ang pinaka importante: we need to listen to God alone, hindi sa mga ingay sa paligid. Dahil kapag nakinig ka sa kanila, at mali ang pinili mo, sila ang unang mawawala o hindi kaya ay babaligtarin ka nila.
So, learn to listen and trust in God’s Holy Spirit, who alone knows the best decision. Kaliwa o kanan? Diretso lang kasama ang Diyos, kaibigan.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, palagi Mo pong ituro sa akin ang daan na dapat kong lakaran. Ikaw po ang manguna sa akin. Huwag Mo pong hayaan na ako ang manguna sa buhay ko.
APPLICATION
Meron ka bang importanteng desisyon na kailangang gawin today? Take a deep breath, close your eyes, at pagkatapos, pray for God’s Holy Spirit to show you the best decision.