11
JANUARY 2026
Salamin, Salamin
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ika anim na araw.
Genesis 1:31
Sa pagharap mo sa salamin, ano ang una mong napapansin? Para kay Katrina, ang una niyang napapansin ay ang kanyang imperfections. Hindi niya gusto ang features niya dahil hindi ito katulad ng sa idol niya. Lagi rin siyang inaasar ng kanyang mga kakilala dahil dito. Kaya naman bumababa ang kanyang self-esteem at ayaw niyang nakikita ang kanyang sarili sa salamin. Kung tulad ni Katrina ay may ganito ka ring pananaw sa sarili mo, God is speaking to you today.
Sa Genesis 1, alam ba ninyo na six times sinabi ng Diyos sa bawat nilikha Niya na, “it was good”? At nang matapos Niya pa ngang likhain ang lahat ay “pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.” Ibig sabihin, lahat ng nilikha ng Diyos para sa Kanya ay mabuti o aprub Niya. Si King David nga ay umawit ng, “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well” (Psalm 139:14, NIV). Bawat isa sa atin ay masterpiece ni God (Ephesians 2:10).
Physical beauty fades. Balang-araw, kukulubot ang ating balat, manghihina ang mga buto o mamumuti ang ating buhok. Habang nagkaka-edad tayo ay part ng natural process ang pag-age ng ating katawan. Tumitingin ang tao sa panlabas na anyo, pero ang Diyos ay tumitingin sa ating puso (1 Samuel 16:7). Mas mahalaga sa Diyos ang kagandahan ng ating kalooban at pagkilala sa Kanya. “Charm is deceptive, beauty is fleeting; but the woman who fears the Lord is to be praised” (Proverbs 31:30, NIV). Naniniwala ka ba sa katotohanang ito? Sana ay sa muli mong pagtingin sa salamin, unahin mong makita na ikaw ay precious in God’s eyes, fearfully and wonderfully made.
LET’S PRAY
Lord, thank You for opening my eyes to the truth that I am Your masterpiece, fearfully and wonderfully made. If it’s still possible, help me to correct my flaws, while also recognizing and celebrating the beauty that You have blessed me with. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Like mo ba ang devotional na ito? Share the inspirational quote on this page and bless someone today.
SHARE THIS QUOTE
