5

MAY 2023

Sharing is Very Fulfilling

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Timmy Yee

Welcome once again sa ating series na “Dealing with Others Graciously.” Hindi natin mapapaghiwalay ang pagiging gracious sa pagbibigay. Let’s listen now to our devotion.

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Mga Hebreo 13:6

Nagawa mo na bang mag-volunteer sa isang non-profit organization to help the needy? O madali ka bang maawa sa mga nanlilimos sa kalsada? Masarap ang feeling ng magbigay sa kapwa, di ba? It’s fulfilling, and at the same time nakakagaan ng pakiramdam ang makapagbigay ng tulong.

Pero alam mo, mas magiging maganda ang pakiramdam ng pagtulong sa kapwa kung malalaman mo ang tunay na kahulugan nito. When you share and help others who are in need, you become an extension of God’s goodness. You allow yourself to be used by our Lord Jesus Christ so that people will feel that He is alive and that He cares for them. This is according to Hebrews 13:6: “And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.” Hindi lang ito pa-feel good. Sharing with others is also an act of worship to our Maker. Siguro, magandang reminder din ito that whenever we help, it should not be for the benefit of our egos. Hindi ito showcase ng ating kabutihan, kundi pagkakataon para makita ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan natin. Gawin natin ito, kahit hindi tayo umaasa ng kapalit sa mga nagawa nating kabutihan. Si Lord ang bahala. When you do this, you will see how much more fulfilling and rewarding it is to help others. At higit sa lahat, nabigyan mo ng kaluguran ang Diyos.

Thank you for being gracious and participating in the work of the Lord. Tune in again tomorrow for another message as part of our series “Dealing with Others Graciously.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord, dahil Ikaw ang ehemplo ng pagbibigay. Nawa’y sa tuwing tutulong ako, maalala ko ang kabutihan Mo sa aking buhay at ang lahat ng nagawa Mo para sa akin. Gamitin Mo po ako, Jesu-Cristo upang maging patunay ng Iyong kabutihan. Amen.

APPLICATION

Kung nais mong makatulong sa nangangailangan, why not consider giving to the ministries of CBN Asia? Just click “Give” so you can help in proclaiming Christ and transforming lives.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 10 =