8
JANUARY 2026
Si God ang Coach Ko, Hindi Ako Susuko!
“Magiging sintatag ka ng isang lunsod na ligtas sa anumang panganib, sintibay ng haliging bakal o pader na tanso. Hindi ka nila matatalo sapagkat iingatan kita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”
Jeremias 1:19
Sa larong boxing, alam ng dalawang athletes na sa pagpasok nila sa ring, siguradong masasaktan sila. There’s a punch that can be blocked. Pero may suntok ding nakaka-knock-out. Ngunit kahit na bumabagsak ang isang boksingero, baon niya ang mga itinuro sa kanya ng coach during training. Bukod sa physical preparation, matinding pep talk din ang naririnig niya mula sa kanyang coach upang maihanda siya mentally. This is the reason why a boxer can stand up again, no matter how hard he falls.
Sa arena ng buhay, para tayong mga boksingerong sumusuntok sa ating mga kalaban. Sometimes, we get knocked down. Minsan pa nga, parang imposibleng makabawi pa tayo sa hirap ng sitwasyon. Good thing ang coach natin ay si God. Hindi Niya lang tayo pine-prepare before the match kundi He even fights with us inside the ring.
Kaya anumang kind ng challenger sa boxing ng buhay ang kinakaharap mo ngayon, don’t give up. Financial concern ba iyan? Health problems? Or a strained relationship? Even if it knocks you down for a moment, be sure to get back on your feet. As long as God is your coach, He is fighting with you in every battle head on. At gaya ng sinabi Niya sa Jeremiah 1:19 (ESV), “‘They will fight against you, but they will not prevail against you, for I am with you,’ declares the Lord, ‘to deliver you.’” What a wonderful promise to hold on to every day!
LET’S PRAY
Lord, forgive me if at times ay akala ko katapusan na ng lahat dahil sa hinaharap kong problema. Salamat po for this reminder na kasama ko Kayo sa anumang laban ko sa buhay. Give me strength and endurance that I may persevere in this challenge. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Mag-drawing or mag-print ng picture ng boxing gloves. Isulat ang buong verse ng Jeremiah 1:19 at ilagay ito sa lugar kung saan madalas mo itong mababasa para lagi mong maalala na kasama mo si God sa anumang hamon ng buhay. Huwag kang susuko.
SHARE THIS QUOTE
