1

OCTOBER 2022

Si Jesus at ang mga Pariseo

by | 202210, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Michellan Alagao

Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit ang loob ay bulok at puno ng kalansay.

Mateo 23:27

“Brood of vipers!” Iyan ang tawag ni Jesus sa mga Pariseo na pumupunta sa Kanyang mga pagtuturo upang Siya’y i-trap sa Kanyang mga sasabihin. Ngunit sino nga ba ang mga Pariseo at bakit sila ikinumpara ni Jesus sa mga ahas? 

Ang mga Pariseo ay isang grupo ng religious elite sa loob ng Judaism noong panahon ni Jesus. Well-educated sila, at mahigpit nilang sinusunod ang Mosaic Law at oral traditions ng mga elders. Malaki ang emphasis nila sa pansariling kabanalan, at mataas ang tingin sa kanila ng Jews.

Sinabi ni Jesus sa mga tao at sa Kanyang disciples na panlabas lamang ang pagiging banal ng mga Pariseo (sa Mateo 23). Tulad ng nitso, malinis at maganda ang kanilang panlabas na anyo, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at baho. Inoobliga nila ang mga tao sa napakaraming laws at traditions, pero sila mismo ay di nila ginagawa ang kanilang mga sinasabi. Mahigpit sila sa mga maliliit na bagay, ngunit pinapabayaan nila ang mga mas mahalagang aspects ng Law tulad ng justice, mercy, at faithfulness. Tulad ng ahas, lason at kamatayan ang dulot ng ganitong mga gawi sa pananampalataya.

Ang kwento ng mga Pariseo ay isang cautionary tale sa ating believers. Alalahanin natin na alam ni Lord kung ano ang nilalaman ng ating puso. Hinding-hindi natin magagawang maging banal sa pamamagitan lamang na ating sariling lakas. Kailangan nating mag-rely kay Jesus. Kailangan natin ang Kanyang cleansing upang matanggal ang mga bulok na bagay sa ating pagkatao, upang tayo’y maging malinis, inside-out. Dapat rin nating maalala na equal tayong lahat in Christ (Mga Taga-Galacia 3:28), at hindi natin dapat iangat ang sarili natin sa iba. Pagpapakumbaba at paglilingkod ang dapat makita sa atin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ipaalala Mo sa akin na tulad ko, ang mga tao sa aking paligid ay nangangailangan din ng grace mula sa Iyo, kaya walang sinuman sa amin ang makakapagmalaki.

APPLICATION

Masyado ba nating sinisilip ang mga gawain ng iba? Suriin natin ang ating mga sarili. May we not be like the Pharisees in today’s story.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =