15

JULY 2025

Slowly But Surely

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Honeylet Adajar-Velves

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 11:28

Kahit anong bilis ng driver sa kalsada, kapag nasa crossroad ito, kailangan niyang mag-slow down at tumingin sa magkabilang side para makasiguradong tama ang kanyang pinipiling daan. Bukod pa rito, makakaiwas siya sa aksidente. Ganoon din ang dapat gawin sa tuwing nasa sharp turn ang sasakyan. Better to slow down habang lumiliko to make sure that the car will not have a dent or a scratch.

Ganito rin tayo sa biyahe ng buhay. Madalas sa kamamadali natin, nagkakamali tayo ng daang pinipili kaya naliligaw tayo. O kaya naman, dahil basta na lang tayo tumatawid sa crossroad ng buhay, minsan nakakasagasa tayo ng ibang tao. May mga pagkakataon ding nalalagay tayo sa sharp turn o isang sitwasyon na mahirap lusutan. At sa ating pagmamadali, madalas tayong nasasaktan.

But God is reminding us that we can take things slow. He understands. Hindimasamang maghinay-hinay. Gaya nga ng sabi nila, “slowly but surely.” At gusto ni Lord na lumapit tayo sa Kanya especially in these crucial moments so He can give us rest (Matthew 11:28). Remember that whenever we take things slowly, we can hear His voice clearly. With His clear instructions, we are sure that our lives will always be on the right track.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa Inyong guidance sa buhay Ko. And thank You for always keeping me safe. Help me take my time to slow down despite the busyness of life and listen to what You have to say. Give me the grace to obey You in every way. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kumuha ng kape or juice, umupo sa may bintana, and take time to listen to God. Basahin ang iyong Bible at isulat ang reflection sa iyong notebook or journal para hindi makalimutan ang mga bagay na sinasabi sa iyo ni Lord. For sure, somewhere down the road, these notes could be like a map as you navigate your way through life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 8 =