29
OCTOBER 2024
Spiritual Dementia
Ngunit mag-ingat kayo. Huwag ninyong kakalimutan o babale-walain ang mga bagay na inyong nasaksihan, habang kayo’y nabubuhay. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.
Deuteronomio 4:9
“Good morning, kumusta ang tulog ng birthday celebrant?” iyan ang masayang pag-gising ni Trixie sa kanyang 84-yr-old na mommy. “Birthday ko?” tanong ng nalilito niyang ina na may dementia. “Kailan ang birthday ko?” Di na niya maalala na nagkaroon ng masayang handaan para sa kanya kahit na kahapon lamang iyon. Kay bilis niyang makalimot! Unti-unting ipinakita ni Trixie sa ina ang pictures ng party, binasa ang FB greetings, at ipinakita ang mga regalo. Very, very slowly, tila naalala ng ina ang pailan-ilan sa mga nangyari.
Naisip ni Trixie na minsan ay meron din yata siyang spiritual dementia. Madali rin niyang nalilimutan ang kabutihan ng Diyos na nagdulot sa kanya ng big and small victories in life, lalo na pag dumaraan sa challenging times. Naalala niya ang verse sa Deuteronomio 4:9: “Ngunit mag-ingat kayo. Huwag ninyong kakalimutan o babale-walain ang mga bagay na inyong nasaksihan, habang kayo’y nabubuhay. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.”
Madali nga tayong makalimot, ano? Lalo na pag dumaraan tayo sa trials of life. But the funny thing is, when we do remember ‘yung mga pinagdaanan natin at pinagwagian, that is when we are able to muster the strength and the inspiration to persevere!
Kaya pala many times sa Bible, God calls our attention to remember. He asked Joshua to bring the 12 stones from the middle of the river Jordan while the priests stood on dry ground, to remind them of the miraculous crossing kahit na tag-baha pa ang ilog noon. He even told them to share these memories through generations (Josue 3:14–17).
LET’S PRAY
Panginoon, sorry po at madali kaming makalimot. Salamat sa paalala na Kayo lang po ang naging dahilan at ang laging magiging dahilan ng aming mga tagumpay sa buhay. Kayo rin po ang tanging mapagkukunan namin ng lakas, ng healing, at ng pagmamahal. Help us not to forget, in Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Application: Basahin at pagbulay-bulayan ang Joshua chapters 3 and 4. Make a memorial of God’s goodness in your life today. You may take a photo of it and post it on social media.