31

MARCH 2026

Spoilers, Please

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Joshene Bersales

Welcome back to our Holy Week series! Balikan natin ang mga pangyayari sa buhay ni Jesus at ng mga taong nakapaligid sa Kanya ng panahong iyon. At kung andun tayo ng mga panahong iyon, ano kaya ang mararamdaman natin?

“Gaya ng alam ninyo, dalawang araw na lamang at Paskwa na. Ang Anak ng Tao ay pagtataksilan upang maipapako sa krus.”

Mateo 26:2

Maraming tao ang ayaw sa spoilers. Mas gusto nilang malaman ang ending ng kuwento on their own time kaysa marinig ito mula sa iba. Minsan pa nga, nagagalit ang taong na-spoil sa taong nang-spoil ng ending sa kanya.

Kung titingnan natin ang mga nangyari noong Holy Tuesday, makikita natin na puno ito ng mga huling pangaral ni Jesus sa Kanyang mga alagad. Marami Siyang parable na ikinuwento. Hinarap din Niya ang mga tanong ng religious leaders. At ito ang matindi: Nagbigay Siya ng spoilers tungkol sa pagkawasak ng Templo at sa mga digmaan na mangyayari sa hinaharap.

Kung nandun ka, baka nagulat, natakot, o nagalit  ka sa spoilers na ito. Sino ba naman ang gustong marinig na mawawasak ang templo ng bayan ninyo, ’di ba? Pero sa totoo lang, hindi ang mga ito ang pinakamahalagang spoiler ni Jesus that day. Nagbigay din Siya ng detalye tungkol sa gagawing pagtataksil ng isa sa Kanyang mga alagad, at ang kasunod na pagkapako Niya sa krus.

Kung isa ka sa disciples ni Jesus that time, ito na yata ang pinakamasakit na spoiler na maririnig mo. Pero para sa atin na nakakaalam na ng buong kuwento, may kasamang assurance ang spoiler na ito. Bakit? Kasi alam natin kung bakit Niya kailangang maghirap — para iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan at i-restore ang relationship natin sa Panginoon. Kasi alam natin na pagkatapos Niyang ipako sa krus at mamatay, mabubuhay Siyang muli on the third day, at babalik sa langit upang ihanda ang tahanan ng mga tatanggap sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas.

Ayaw mo ba sa spoilers? Ito ang isang spoiler na dapat ikatuwa mo: Kung tatanggapin mo si Jesus bilang iyong Panginoon, patatawarin Niya ang lahat ng mga kasalanan mo, at makakasama mo Siya sa langit balang-araw. Napakagandang spoiler, ’di ba?

Join us again tomorrow para sa ating pagbubulay sa linggong ito.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, excited na kaming makarating sa ending ng kuwento kung saan makakasama Ka namin habambuhay. Amen.

APPLICATION

Balikan ang isang instance na na-spoil ka sa ending ng isang pelikula o libro. Ano ang naramdaman mo? Ikumpara ito sa naramdaman mo nang malaman mo ang  magiging happy ending ng followers ni Cristo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 8 =