16

MAY 2024

Storage Space Running Out

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Manuel Zabat II

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

1 Pedro 5:7

“Storage space running out. Some system functions may not work.” Ito ang notification na nakikita sa mga smartphone kapag puno na ang memory cards or internal storage nito. When this is ignored, bumabagal ang applications, and eventually, your phone may crash and all your precious files may be lost. This is also true with our own internal storage — our hearts. While it has an amazing capacity, it can only store so much. It can only store limited memories, people, and burdens. At kapag malapit na itong mapuno, things happen. We can be easily irritated, get restless, and in some cases, end up being depressed.

Kapag ang smartphone ay napuno, there are two options you can choose from to fix it. Option one is to get a bigger storage, and the second is to delete the unneeded files. Ngunit kapag ang puso ay napuno, ano ang puwedeng solusyon dito? Isa sa mga dapat gawin ay ipasaliksik ito sa Panginoon. According to Psalm 139:23–24 at Jeremiah 17:10, God alone can search the heart and test its motives. Ibig sabihin ay puwedeng hingin ang tulong ni Lord upang malaman kung alin sa ating thoughts and ways ang puwedeng “i-uninstall.” We can also transfer our burdens to God. Dahil mabuti at makapangyarihan Siya, He can handle those problems and provide us with solutions. We can also reformat our hearts by having God’s Word written in it. Ang Word of God ang magpapanatili sa pagiging malinis ng ating puso, laban sa kahit anong klase ng sin virus.

Our hearts, like our phones, also need to be checked. Baka full na ang storage at kailangan nang mag-uninstall, mag-transfer, at mag-reformat.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, when my mind is heavy and my heart is full, I cast my burdens on You. I know that You alone can help and give me and rest. Amen.

APPLICATION

Kung overwhelmed ang iyong puso, take time to breathe and ask God to search it. Ibigay mo ang burdens mo sa Kanya upang ikaw ay magkaroon ng pahinga.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 15 =