8

APRIL 2026

Susana: Serving Behind the Scenes

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon sa paligid. Nangangaral siya at nagtuturo ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya … si Maria na tinatawag na Magdalena na may pitong demonyong pinalayas ni Jesus mula sa babaing ito, si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba.

Lucas 8:13

Isang beses lang binanggit si Susana sa New Testament. Hindi siya tulad ni Mary Magdalene, na pamilyar kahit sa mga hindi mahilig magbasa ng Biblia. O ni Juana, na malamang ay isang influential person noong panahon nila. Parang pahabol lang ang pagdagdag ng pangalan ni Susana sa Gospel ni Luke. Madali itong ma-miss, madaling makalimutan.

Pero kahit hindi natin alam kung sino si Susana, alam natin ang ginawa niya. Matapos ilista ni Luke ang mga kasamang babae ni Jesus during His mission, sinabi niya: “Sarili nilang salapi ang kanilang ginastos para sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad” (v. 3). Malamang hindi lang pera ang ibinigay ni Susana para sa ministry ni Jesus. Nagbigay din siya ng oras para maglingkod behind the scenes.

Imagine Susana na nagluluto, nagliligpit ng kinainan, at nagtatahi ng mga natastas na damit ni Jesus at ng disciples. Bumibili rin siya ng mga kailangan nila, gamit ang sariling pera. At masaya niyang ginawa ito, knowing that she is serving her Savior. 

Feeling mo ba, isa kang Susanna? Behind the scenes ka nagse-serve, kaya walang nakakapansin sa iyo. Madaling nababalewala ang efforts mo. Hindi ka nare-recognize ng ibang tao. 

Sabi sa Mga Hebreo 6:10, “Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo’y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.” Alam ni Lord ang ginagawa mo for His name. Hindi ka man i-acknowledge ng ibang tao ngayon, siguradong malaki ang matatanggap mong reward from the Lord pagdating mo sa langit. Wala mang nakakaalam ng pangalan mo right now, bibigyan ka naman ng unique name ng Diyos na gagamitin mo for eternity (Pahayag 2:17).

Kaya patuloy ka lang maglingkod tulad ng ginawa ni Susana noon. Jesus sees you, and He is glorified through your service.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, thank You for recognizing my efforts kahit walang ibang nakakakita nito. Help me na hindi ma-discourage but rather focus on You. Amen.

APPLICATION

Kailangan mo ba ng encouragement? I-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 8 =