9

SEPTEMBER 2024

Tagapagmana Ka!

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Marlene Legaspi-Munar

At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Mga Taga-Roma 8:17

Kumuha si Ara ng life insurance at natural, ang ginawa niyang beneficiary ay ang only child niyang si Shania. Si Shania rin ang beneficiary ng kanyang Philhealth, SSS, Pag-ibig, at HMO. Bilang single mom, kampante si Ara na mawala man siya, secured na ang kanyang anak sa dami ng makukuha nitong benefits. Sabi nga niya, “Ang unica hija ko ang nag-iisa kong tagapagmana!”

Most parents, if not all, are always thinking of their children’s welfare. Generally speaking, in the Philippines, children are the heirs of their deceased parents. Kaya makakakuha sila ng mana kung meron mang maiiwang ari-arian o kayamanan ang kanilang magulang.

Romans 8:17 says that we are heirs of God and co-heirs with Christ. If you believe that Jesus Christ died on the cross to save you from sin, you have been given the right to become a child of God (John 1:12). And as children of a loving and Most High God, we have access to every blessing from heaven. Isipin mo ’yun? But the Apostle Paul reveals something else — we are not just heirs but co-heirs with Christ! Dahil nakasama tayo sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Anumang nakalaan para kay Jesus na Anak ng Diyos ay para rin sa atin pagdating ng takdang panahon. We may not fully understand now what this really means, but we can be assured of the present and future security that God supplies because we are in Christ.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father God, thank You for making me Your heir and co-heir with Christ. Aalalahanin ko ito sa panahon ng pagtitiis at aasahan ko na one day, I will also receive and experience Your glory. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kung nagigipit ka o nagkukulang, tumingala ka sa langit at sabihin mo, “Anak ako ng Diyos at tagapagmanang kasama ni Cristo. Hindi ako magkukulang.”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 1 =