10
SEPTEMBER 2024
Ang Tunay na Pinatawad
Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh’s hindi siya nanlinlang.
Awit 32:1–2
Isa sa mga pinaka-nakamamanghang salita sa Bible ay ang salitang “forgiveness.” Sa Awit 32, ipinaliwanag ito ni David sa tatlong paraan: pinatawad na ang kasalanan, hindi pinaparatangan, at sa harap ni Yahweh’s hindi siya nanlinlang.
Ang mga orihinal na salitang ginamit sa Bible upang i-describe ang pagpapatawad ng Diyos sa atin ay ang Hebrew words na nasa na ang ibig sabihin ay kinuha na ang ating mga kasalanan at inilayo na ito sa atin, kasah na ang ibig sabihin ay may sumalo na at nag-cover ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at hashav na ang ibig sabihin ay bayad na nang buo ang ating mga kasalanan at burado na ang anumang record ng kasamaan na mayroon tayo. Sa madaling salita, “not guilty.”
Nakaka-amaze, ‘di ba? Ganito pala ang klase ng forgiveness na inooffer ni Lord sa atin. Kung tayo ay lalapit sa Kanya, hihingi ng tawad, at tatalikod sa ating mga kasalanan, matatanggap natin ang kumpletong kapatawaran sa ating mga kasalanan at wala tayong maririnig na panunumbat at panghuhusga mula sa Diyos.
Hindi na natin kailangang mamuhay sa guilt. Kasama sa forgiveness ni Lord ang pagtanggal Niya ng ating kahihiyan. Hindi rin Niya binibilang ang ating mga kasalanan. Sa halip, inilalayo ni Lord ang mga kasalanan natin at tinitignan Niya tayo na malinis, na parang bang hindi tayo nagkasala.
At ang pinakamaganda sa lahat? Binayaran na ni God ng buo ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus ng Kalbaryo. Ibig sabihin, lahat ng kasalanan natin, past, present, o future man, ay bayad na! Walang kasalanan ang hindi covered ng dugo ni Kristo. Kung buong puso ang ating pagsissisa ating mga kasalanan, good news: tayo ay tunay na pinatawad na!
LET’S PRAY
Lord, maraming salamat sa forgiveness na Iyong ibinibigay sa akin. Today, I surrender to You all my sins, my shame, and my guilt. Linisin at patawarin Ninyo po ako. I receive Your forgiveness, Lord. Amen.
APPLICATION
Basahin ang Awit 32 at Awit 103 at gawin itong part ng iyong daily prayer for forgiveness.